December 20, 2013

72 4 0
                                    

December 20, 2013

Mood and cause of it: Neutral, kasi pagod na ako. Medyo naiinis rin dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi dahil maaga raw dapat sa school. Naiinis rin ako, pero slight na lang.

How did the day go: Ang talk shit nila. Sabi nila irerecheck 'yung attendance ng mga pumunta sa theater play nung isang linggo, tapos wala.. hindi naman sila dumating. HINDI NA RAW SILA PUPUNTA KASI NA-LATE SILA NG GISING. Kaloka! Ano 'yun sabay-sabay silang hindi nagising ng maaga? Nakakabwisit. Sabi nila ilista ko na lang raw 'yung pangalan nila since ako na ang nandon. Ang gago lang talaga.

But anyway, nung papauwi na ako, may bumati sa akin. Siguro kasi sobrang halatang bad mood na ako. Kumaway lang naman tapos nagsignal na magsmile raw ako. Malayo kasi sya e! Nasa kabilang side ng sakayan. Hindi ko tuloy masyadong namukhaan pero feel ko kilala ko sya. Kaklase ko yata sa isang subject or what? Kung sino man sya, salamat sa kanya hahaha. 'Pag naaalala ko napapangiti talaga ako e.

Deep thoughts: Bakit nya naman ginawa 'yon? Nakakaloka lang talaga. Gusto ko tuloy kiligin. (Lalaki kasi!!!!!!!!)

Other matters: 'Pag may nangyari pa, ichichika ko sa'yo!

Love,

Ehra

Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon