November 30, 2014
Mood and cause of it: Ayoko na. Please. Nasasaktan na ako. Bakit ba kasi iniwasan na kita't lahat-lahat.. gusto pa rin kita? Bakit hinahanap-hanap pa rin kita? AND F.Y.I. LANG.. Nasasaktan ako :) Siguro akala mo, nakamove on na ako 'no? Hindi paaaa! Nakakatawa.. kasi sa lahat ng entries ko bago ito na tungkol sa'yo, puro hate.. Puro 'Naiinis ako sa'yo' o 'di kaya kung anu-anong kabitteran ang sinasabi ko. Haha.. Ngayon ko lang narealize na mahal pa rin kita.. kasi nasasaktan ako 'pag nakikita ko kayo ni girlaaaa
How did the day go: Nakita na naman kitang kasama s'ya. Oh edi kayo na. Hindi mo kasi alam na gago 'yang babaeng 'yan e, no? Actually gusto kitang hilain palayo sa kanya. Gusto kong isumbong sa'yo 'yung mga ginawa ng babaeng 'yan... kaso ano mo ba ako? KAIBIGAN! Haha. Kaibigang kinalimutan mo na. Mahal mo ko? Sinabi mong mahal mo ko e PERO BAKIT GANYAN HAHAHA TANGINAMO
At para sa'yo namang babae ka.. masaya ka ba na kasama mo na s'ya? Nagwagi ka! Congrats! Pareho pa kayong B ha? Hahahaha..
Deep thoughts: Mahal pa rin pala kita Blue, kaso 'wag na.
Other matters: Please, tigilan mo na ang kakacontact sa akin.. D'yan ka na sa Bree mo. Magsama kayooooo!! Actually nasasaktan lang naman ako.. HAHAHAHAHAHA Nakakaloko 'tong love story na 'to a. Napakapanghighschool.
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...