February 4, 2014 fudge fudge fudge fudge
Mood and cause of it: DO YA WANNA KNOW WHAT HAPPENED DO YA REALLY WANNA KNOW Una, nakaputing polo sya, which complimented his pale skin. Siguro binasa nya ang journal ko at nakita nyang nagagwapuhan ako sa nakaputing polo. HAHAJK! Pangalawa, ang ganda ng ngiti nya. Pangatlo, ANG CHAKA NYA KANINA. Wala naman. Tinanong nya ako kung anong nangyari sa school. Muntik ko pa ngang sabihin na namiss ko sya hahaha sabi nya may pinaasikaso raw kasi sa kanya 'yung papa nya. Sabi ko tuloy "Hindi naman kita pinag-eexplain" tapos sabi nya, baka lang naman gusto ko raw malaman. Nagkibit-balikat lang ako, tapos maya-maya dumating na 'yung order kong chicken lauriat at large na Sprite! ABA'Y NAKAKAHIYA PO ANO. May inorder rin naman sya, kaso take-out kaya nung dumating nagpaalam na syang aalis na sya. Ang awkward lang, gutom na gutom na ako pero
How did the day go: hindi ko pa rin mabanatan yung lauriat kanina hahaha hindi naman nya ako hinusgahan sa order ko. Chinika nya rin pala ako about sa week ng department namin! Sabi nya manuod raw ako kasi kakanta sya. ANUBA hahaha. Uy alam mo ba inaantay ko pa rin na iadd nya ako sa Facebook o ifollow sa Twitter kasi alam nya naman ata pangalan ko? O baka hindi. Ako na lang kaya? Since napapadayo naman talaga ako sa account nya sa facebook HAHAHAHAHA uy ang gwapo nya sa profile picture nya. Anuba. Ang cute ng ipin nya, maliliit na pantay-pantay tapos hindi naman sya talaga poging-pogi. Tama lang. Saka, mahilig talaga sya pumorma. Alam mo ba, yung suot nya kanina Vans na puti, MALINIS, at Jag na jeans. Jusme magkano yun hahahaha BAKIT KO BA KASI PINAGINTERESAN TIGNAN YUNG
Deep thoughts: LIKOD NYA HABANG NAGLALAKAD SYA KANINA!! Eh! Basta nakita ko hahaha.
Other matters: Hay blue.. bakit ba ako tuwang-tuwa sa'yo?
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...