April 23, 2014
Mood and cause of it: Blue won't stop chatting me at medyo nakakairita na. Ang kulit kulit! Though hindi nya naman nababanggit 'yung tungkol kay Jana, naiirita pa rin ako. Ang ingay kasi! Puro kalokohan naman pinagsasabi... pero aaminin ko, namiss ko rin 'yun. Dati, ako 'yung kwento ng kwento, na minsan binibigyan ko pa sya ng kung anu-anong trivia, tapos sya nakikinig lang. Well, more like nagbabasa lang pero ganun na nga. Ang bait kasi ni Blue e.
How did the day go: Wala naman. Basta ayun, chat ng chat si Blue. Wala rin namang kaganapan dito sa bahay. Wala pa rin akong nakikitang dance workshop at wala na talaga akong magawa. Magsulat kaya ako ng story? Ah.. ayoko. Baka masaktan lang ako, o kaya makasakit hahaha
Deep thoughts: I've been planning to tell Jana about it. Ayoko na ng ganito? Let go nga raw, diba? Saka wala naman silang atraso sa akin. Sooner or later, makakahalata na si Blue na may issue ako at ayokong mangyari 'yon. Medyo gumagaan na rin naman ang pakiramdam ko (kasi siguro bihira ko sila makausap at makita) kaya.. ahh.. ewan. Basta before mag-end ang April, dapat masabi ko na!
Other matters: Naubusan ako ng moisturizer!
E
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...