March 3, 2014
Mood and cause of it: Kinukulit ako ni Blue kanina at hindi nagbunga 'yon ng maganda. Tanong ng tanong tungkol sa Eleanor and Park, sabi ko marami pa akong babasahin tapos nagsad face. Edi sad face din pinakita ko.
Alam mo, lakas makaputa ng araw na 'to. Nagkasagutan kaming magkakaibigan sa room... Leche naman kasi. Hindi naman nila alam 'yung past ko at wala siyang karapatan na sabihan ako ng malandi. Wala syang karapatan dahil una, hindi nya ako ganuon kakilala at pangalawa, HINDI KO NILALANDI SI BLUE. Tangina.
How did the day go: San ba nya nakuha 'yung issue kay Blue na 'yon? Bakit, bawal ko bang lapitan 'yung tao? Bakit, pagmamay-ari nya ba? NAKAKABWISIT. Tapos paprangkahin nya pa ako na "Bakit ka ganon kayo, mag-ano ba kayo?" With that fucking look! Para namang hindi obvious na ginagago nya ako. Leche kasi e, ang judgemental! Tangina naman, hindi naman ako makasagot kasi putangina Blue ano nga ba kasi tayo. Ang sakit mapagbintangan sa hindi ko naman ginagawa. Ha, ang sakit e. Ang sakit na masabihan ng diretsahan na "ALAM MO EHRA ANG LANDI MO". Leche. LECHE BREE, LECHE.
Deep thoughts: Okay, o sige. Sinuportahan ko si Blue nung Battle of the Bands, binigyan nya ko ng regalo, magkasama kami sa subject na hindi ko kasama ang mga kaibigan ko at oo palagi kaming magkadikit, he could openly mention me at Twitter and FB but WHAT THE FUCK okay sige sabihin na nating gusto ko sya PERO PUTA HINDI KO SYA NILALANDI
Other matters:
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...