March 18, 2014
Mood and cause of it: Nakakaloka pala 'yung mga entries ko 'pag galit ako. Anyway, hindi pumasok 'yung babaeng 'yon at sa sobrang inis ko, pati si Blue napagbuntunan ko ng galit. Eh ang kulit naman kasi nya! .... Moving on.. medyo masaya ako, at medyo hindi.
How did the day go: Kinausap ako ng isa naming kaibigan about sa ugali nung babaeng 'yon. Ha, funny kasi dati, kung makapagchikahan kami, 'kala mo magbestfriend tapos ngayon babaeng 'yon ang tawag ko sa kanya. Inamin sa akin ni Bree kanina na gusto ni Jana si Blue kaya medyo.... Kaya pala.. kaya pala bitter ang loka kasi sa akin lumalapit si Blue. Anong gusto nyang gawin ko? Layuan ko 'yung tao? I trust Briana, lalo na kapag seryoso s'ya. I mean, wala naman siguro syang balak sirain ang friendship ng grupo? Kaya nga nya sinabi sa akin 'yung problema diba? Ah ewan. Bahala na si Jana sa gusto nyang mangyari.
Deep thoughts: Kasi naman Blue!!! Naaatat ako. Hindi ko alam kung gusto mo ba ako o ano. Sana.. sana sabihin mo, kasi ayoko ring saktan ang kaibigan ko. Sinabi ko naman na e. Kahit nagalit ako o galit ako, kaya ko silang patawarin.
Other matters: Nakakainis.
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...