July 28, 2014
Mood and cause of it: Masakit pa rin e. Masakit kasi gusto ko pa rin si Blue hanggang ngayon. Masakit aminin na kahit papaano, tintinignan ko pa rin sya. Masakit isipin na kahit papaano, umaasa akong may chance.. kasi sinabi nyang gusto nya ako. More than 4 months nya na akong gusto, 'di kaya mahal na nya ako? Haha. Masakit rin na.. hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala dun sa sinabi nya. Nung nalaman ko kasing nagsinungaling sya, ang hirap na magtiwala? Nasaktan kasi ako dun sa ginawa nya.... ang hirap talaga. Mas lalo namang masakit 'yung mukhang wala na talagang chance ang love story namin.
How did the day go: Palagi kong nakikita si Bree kasi nga magkacourse na kami kaya medyo naiirita ako. Si Blue, medyo bihira pero hindi ko alam kung paano nya naipipilit na sirain ang isang buong linggo ko sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa akin. Talagang sinusubukan nya akong kausapin.. pero hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya e. Iniiwasan ko sya.. BAKA KASI MAMURA KO S'YA. Tapos na ako magmahal e, magmumura naman ako! ^^
Deep thoughts: Hindi ko na alam kung anong nangyayari.... tinigilan ko na rin kausapin si Geoff kasi alam ko namang ginagamit ko lang sya para mawala kay Blue ang atensyon ko. Waepek naman e, baka makasakit pa ako.
Gusto ko pa rin kasi si Blue..
Other matters: Namimiss ko na rin pala sya.. kaso 'wag muna. Ayoko muna.
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...