March 21, 2014
Mood and cause of it: Nakahalata na si Blue. Nakokonsenya ako, kasi after ng birthday nya, malimit ko na talaga syang pansinin. Tinanong nya ako kanina nung nagkita kami sa may faculty (may pinapasa kasi), ang cute nga eh. Tumabi lang sya sa akin tapos bumulong ng: "Bakit di mo ako pinapansin?". Ang cute nya talaga! Kaso pinaalis na kami kaagad kaya hindi na ako nakapagsalita, more like tinakasan ko sya. Ayoko munang kausapin? Hay Blue, kung alam mo lang kung gaano ako nagtitiis ngayon. Eh kasi naman bakit hindi maliwanag 'yung sitwasyon natin?
How did the day go: Awkward, sobra. Tinext nya pala ako nung uwian, si Blue... Tinanong nya ulit 'yung tanong nya, at matapos ang ilang bura ng nacompose kong message, sinagot ko sya ng casual na "Malapit na kasi Finals, busy lang.". Kasinungalingan! Sabi nya tuloy, matalino naman raw ako (at kinilig ako dun, syempre), sabi ko na lang, "Naghahabol talaga ako, sorry." and I hope he bought it. Ano ba kasi? Sasabihin ko sa kanya? At.. umaasa ako na hindi sya magiging tuod. Hindi nya ba nararamdaman?
Deep thoughts: Itanong ko kaya kay Blue? BLUE ANO BA TAYO?!
Other matters: Tapos 'yung isasagot nya: SUPER DUPER MEGA BEST FRIENDS! WAPLAK 'TEH!
Magaling, magaling...
E
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...