March 6, 2014

18 3 2
                                    

March 6, 2014

Mood and cause of it: Siraulo po si Blue, pero kung hindi dahil sa kanya hindi kami magkakausap na magkakaibigan. Actually, simula nung gabi ng March 3, hindi ko pinapansin 'yung mga texts at messages nya sa FB. Pati 'yung mention nya. Wala, napag-isip-isip ko lang na baka may point nga sila. Baka nga mukhang nilalandi ko na si Blue.

How did the day go: Hindi namin kaklase si Blue pero hindi ko alam kung paanong nagawa nyang iexcuse kaming magkakaibigan sa klase. Tapos nung lumabas kaming anim sa MPH, sabi nya "Oh mag-usap na kayo." Sabay alis. Babalik na sana kami kaso pinaglock-an kami ng prof namin! Shit. Tropa pa ata 'yung prof namin saka si Blue. Nagtinginan lang kami, tapos maya-maya nagjoke 'yung si Jana... Tapos, 'yun na... Eh.. wala e. Kaibigan ko pa rin naman sila. Papatawarin ko pa rin sila kahit nagkasamaan ng loob.

Deep thoughts:

Other matters: Thanks, Blue. Sobra.

E

Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon