December 7, 2014

43 1 0
                                    

December 7, 2014

Mood and cause of it: Isang taon, isang tao. Nakakairita.. na nasayang 'yung kilig, 'yung sakit.. 'yung mga efforts, mga kwento. Ang dami rin nating memories, 'no? Kaso wala e. Hindi pala ako pangnobela. Akala ko, kaya ko 'yung ganung sitwasyon. Nakakainis pala? Nakakainis na hindi mo sinabi agad na ikaw pala 'yung ngiti ng ngiti sa kung saan-saan, 'yung laging nakatingin. Umasa na ako na gusto mo ako e. Tama naman pala ako, kaso ang cute lang ng paglalaro sa atin ng tadhana. Gwapo mo kasi, no? Gusto ka rin ni Briana, tapos pinalabas nya na si Jana ang may gusto sa'yo para layuan kita for the sake of friendship. Si Jana naman, kakilala mo pala na pinanangkalan mo para magkalayo tayo, kasi nahuhulog ka na talaga. Nice, Blue. It was very nice knowing that you really planned to play me. Na, nakakatawa kasi ganon 'yung sa mga Wattpad story! Ganon 'yung nababasa ko.

How did the day go: Tapos nangyari sa akin. Hindi ko alam kung paano mo naisip na interesting ako, na siguro pwede mo akong paasahin (which I did) at pwede mo akong paglaruan. Paasa ka pala talaga ever since pero sabi mo nga, sa akin ka lang nagkaganon. Iniisip ko tuloy, mali ba 'yung sinabi ko na layuan mo na ako ng tuluyan? Kasi Blue, nung nag-explain ka ng side mo, nung sinabi mo na gusto mo lang talaga akong maging kaibigan nung una tapos nagtuloy-tuloy na (tapos bigla kang nagback-out kasi narealize mo hindi mo kaya, tapos biglang sasabihin mo si Jana gusto mo, tapos magseselos ka kay Geoff), HINDI KO ALAM KUNG ANONG SASABIHIN KO SA'YO. Hindi ko alam kung anong irereact ko... Ang gulo mo. And by the way, I'm sorry kung hindi ko pa rin maibigay 'yung chance na hinahanap mo kahit sobrang tagal na magmula nung mag-explain ka.

Deep thoughts: Oo, mahal pa rin kita. Hindi ko nga alam kung bakit mahal pa rin kita, pero natitiis kita... Sorry, Blue, magulo rin ako. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa'yo, o kung hahayaan ko pa bang magpatuloy 'yung so-called love story natin. Kaso Blue, may choice ka kasi n'on.. May choice ka kung mamahalin mo ako o magpapakaduwag ka. Pipiliin ko na lang rin 'yung pinili mo. Magpapakaduwag na lang din ako. Hindi ko kaya.. pinakawalan na kita e..

Other matters: Ayoko na Blue... Ayoko na, please. Magmove-on na tayo. 'Wag mo na akong kausapin... 'Wag ka nang bumalik sa akin..

Pareho lang tayong nasasaktan...

Ehra


Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon