May 5, 2014
Mood and cause of it: Syempre first day ngayon kaya ikekwento ko. May kaklase akong gwapo at sinisipag ako pumasok bukas! Masaya kanina! Ang bait ng mga instructor though ramdam ko na kapag gyera na, gyera na talaga.
How did the day go: Since hapon naman ang pinili kong time, tumambay muna ako Araneta at kumain ng kung anu-ano. Natagtag naman ang lahat ng kinain ko, kasi ang gulo! Hahaha ang saya. Nagpakilala lang muna sa isa't-isa tapos konting discussion about sa mga aaralin na medyo basic lang naman daw. Sabi nung isang instructor, si Miss Ellen na matangkad at bagsak na bagsak ang buhok (at sexy rin), ang basic ang pinakakailangan kahit saan. Hindi naman raw pwedeng dun agad sa komplikado, na kahit naman magaling ka na, kailangan mo pa rin ng basic. Basta? Parang sinasabi nya na kapag alam mo ang basics, mas gagaling ka.
Napakawarm ng atmosphere kanina. Naglaro kami ng intense na dance chuvaness (nalimutan ko tawag) na magpapatugtog sila tapos dapat makasayaw ka duon. May mga hindi masyadong maalam sa beat at sayaw at merong magagaling na rin talaga! Ako, average lang siguro. AT ANG GWAPO NUNG ISANG MAGALING SUMAYAW HEHE
Deep thoughts: Wala naman. Sana sumexy ako, 'yung kasing-sexy ni Miss Ellen.
Other matters: ....
Ngayon ko lang ata masasabi na kahit gaano kasaya ang araw mo, kapag mag-isa ka na lang at may pinoproblema ka, parang mawawala lahat ng saya mo. Tapos alone ka na naman. Haaayy Blue.
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...