Notes #5 - 032514
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Putek na 'yan, naiiyak ako...... Okay. Pinanalangin ko na sana dumating 'yung araw na magiging klaro ang lahat.. na malalaman ko ang dahilan kung bakit concerned sya, kung bakit lagi syang nakadikit sa akin, at kung anu-ano pa. Sa totoo lang naisip ko na rin naman na baka umaasa lang ako sa wala pero, nahulog ako sa kanya. Nahulog ako dahil sa pasimple nyang pagdikit, pagkausap at pagiging concerned sa akin. Ang gago mo naman kasi Blue, bakit ako? Bakit hindi na lang si Jana kung sya naman talaga 'yung gusto mo? Ang ganda pa ng pagkakasabi mo sakin kanina.. "Pansinin mo na ako.. Kailangan kita e.". I joked, sabi ko 'bakit, kasi malapit na ang finals? Hindi mo na naman mahanap 'yung notes mo?' Ginawa mo na 'yun dati sa akin, Blue. Mas naging close nga tayo dahil don. Nagkachat tayo ng mas matagal dahil nanghihingi ka ng notes na kung tutuusin, pwede mong hingin sa iba mong kaclose. 'Yun pala, kasi may motibo ka. Kailangan mo ko kasi sabi mo, kaibigan ko naman si Jana, na baka pwedeng ilakad kita sa kanya. Putang ina, Blue. Putang ina!! Wala akong ibang masabi kundi puro mura. Hahaha.. nakakawala ng behavior!!! Ah, bakit ganon? Kaya ba walang kaso sa'yo kahit anong ugali ipakita ko? KASI WALA KA NAMAN PALA TALAGANG PAKIALAM! HINDI KASI AKO 'YUNG GUSTO MO. Ano? Anong nangyari? Bakit biglang ganon? Manggagamit ka ba? Ang ganda pa ng mga iyak at galawan mo ha. Nakakadala.
Nagtataka nga rin ako, bakit ba ako nahulog sa'yo? May.. mali bang nangyari? Bakit ganon.. Teka, ang tanga ko nga rin naman kasi talaga. Ang galing galing kong magconnect ng mga bagay-bagay. Siguro dapat maging writer ako kasi halos lahat nagagawan ko ng relation sa kung anu-ano. Tulad na lang nung may nakasabay ako sa sinehan, naisip kong baka ikaw 'yon. Nung may ngumiti sa akin nung Christmas party, naisip kong ikaw 'yon dahil balita ko, may tyuhin ka dito dahil magkakilala sila ng nanay ko. Blue hindi ko kailanman sinabi sa'yo na nagcocover ako ng sayaw pero nabasa ko dito na alam mo 'yung isa kong gawa. Ano ba, ano ba Blue? Bakit mo ko binigyan ng rose? Ha? Hindi nga lang isa ang binigay mo. LIMA. Binigyan mo pa ako ng libro, para saan? Para ilakad kita sa kaibigan ko? AT PARA MASABIHAN MO NG "TUTAL, CLOSE FRIENDS NAMAN TAYO."... Ano bang nagawa ko sa'yo?! Pinadama mo sa akin na espesyal ako e. Pinadama mo na kailangan mo ko, na importante ako.. na LECHE WALA NA AKONG MAISIP NA SALITA PARA IPALIWANAG 'YUNG NARAMDAMAN KO NUNG KASAMA KITA. Na.. daig ko pa ata 'yung nagkaroon ng boyfriend na sobraag bait? Na sobrang sarap sa pakiramdam na ayoko nang mawala 'yung tao? Tapos ano? Friendly state mo pa lang pala 'yan. Hahaha. Ang kapal kapal ng mukha mo...
Putang ina lang talaga. Ang galing. Ang galing galing.
Alam mo, kating-kati akong murahin ka ng harap-harapan dahil napakaPAASA mo, kaso naisip ko rin na ang assuming ko nga naman. Alam mo, gusto kong saktan ka. Gusto kitang sabihan ng lahat ng masasakit na salitang alam ko. Gusto kong magpost sa page ng university natin sa Facebook para ipahiya ka. GALIT AKO SA'YO.. pero eto, alam kong alam mo na hindi ko kayang gawin 'yan kahit gustuhin ko. Alam mong kapag nagmahal ako, kahit gaano ako gaguhin nung tao, pinatatawad ko. Alam mong hindi ako nagtatanim ng galit. Alam mong kahit nasasaktan ako, mas gugustuhin kong hindi mandamay. Alam mo, kaya okay lang na masaktan ako, ganon ba? Tangina Blue.. Bakit ba kasi mahal kita? Ilang linggo pa lang oh?
Ang sakit.. ang sakit masabihan na kaibigan mo lang ako. Wait lang nga, mukha ba akong lalaki para sa'yo? Trinopa mo ako? Clinose mo ako tapos biglang hindi tayo talo?! LALAKI BA AKO SA PANINGIN MONG HAYUP KA?!... takte.. blue naman e.
Bakit.. bakit mo ko pinapaiyak.. ano bang nagawa kong mali sa'yo?
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...