February 15, 2014
Mood and cause of it: Hindi pa ata tapos ang Valentine's ko. Kaninang umaga, nagising ako sa tawag mula sa unknown number. Hulaan mo kung sino, syempre si Blue. Hindi ko na tinanong kung kanino nya nakuha ang number ko and we just proceded to talking about our future, JOKE! Haha. Inaway ko sya! Malamang, ang aga-aga, nambubulahaw! Inaya nya akong manuod sa practice nila, and 'wag raw akong mag-alala kasi kumbaga rehearsal 'yun ng mismong mangyayari next week sa event kaya marami akong kasama. Natuwa lang ako. Bakit ba.
How did the day go: Syempre pumunta ako sa school. Nagpaalam naman ako sa mga magulang ko na may panunuorin ako, tapos pagdating ko sa college gym, nakita ko si Blue kaagad! Ayun, the usual him, ngingiti at kakaway. Nakagray sya na polo and jeans tapos sneakers tapos ang cute nya kasi may tali 'yung buhok nya! Tinali nya 'yung tuktok haha. Uy binigyan nya ulit ako ng red rose. :)
Deep thoughts: Bakit? Haha
Other matters: Bakit ulit? Uy ang ganda nga ng boses nya. EMOnggoloid nga lang sya.. haha 'di naman pala masyado! Gwapo pa rin... sa malayo... Uy sana mag-extend pa bukas ang Valentine's LOL haha
♪ "I've found the reason for me
To change who I used to be..
A reason to start over new..
And the reason is.. you." ♪Love,
Ehra
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...