February 9, 2014

27 2 0
                                    

February 9, 2014

Mood and cause of it: Unang beses kong mabasa ang pangalan ko sa secret files page ng university namin. Sabi ng nagsend, "Pakitag naman po 'yung babaeng ang pakilala sa akin ay Ehra Dyosa. Hindi ko po kasi mahanap e. Salamat." Alam mo kung sinong sender? BLUE ang nakalagay, dept namin ang nakalagay, 2017 ang nakalagay! Positive akong sya ang nagsend n'on! Mga loka-loka naman 'tong mga kaibigan ko, itinag ako! Tapos sabi nung isa "Kuya ikaw naman, pwede mo naman itanong sa amin." Tapos sabi nung iba ang cute raw ni Blue, tapos sabi naman ng iba ang pabebe ko raw, bakit kasi 'yon ang sinabi ko. At hindi ko naman sila masisisi, tinanong kasi ni Blue ang pangalan ko nung isang araw tapos ang sabi ko, EHRA DYOSA. Tapos sabi nya, "Mali tanong ko, ano ba spelling ng Fuentanillea mo?"

How did the day go: Ang chaka kasi ng apelyido namin, palagi ngang nawowrong spelling 'yung sa mga awards, certificate at kung anu-ano pa. Ehra Faye Fuentanillea nga kasi. May E before A except sa FAYE! Hay nako. At.. ayun. In-add nya na ako, at... chinat.. at.. hehe... actually kachat ko pa rin sya, sabi ko wait lang kasi SOBRA-SOBRA NA ANG FEELS KO! Ewan ko ba! Bakit ako kinilig? Nagcomment nga rin yung isa nyang kaibigan, sabi "Iba talaga mga galawan mo Blue Fernandez!" Tapos sabi nung isa pa naming schoolmate..... bagay raw kami HAHAHAHAHAHAHA

Deep thoughts: Deep thoughts.. ano bang nasa isip ni Blue. Magdadalawang linggo na nya akong kinukulit. Lalo na 'pag hindi nya kasama tropa nya? Ako ang kinakausap nya. Hindi ko alam. Basta nag-usap lang kami about sa music once, tapos ayun na. Lagi nya na akong kinakausap.

Other matters: Makapagdownload nga ng maraming kanta nang maraming mapag-usapan! At dahil kay Blue, mukhang magiging okay na ulit kaming magkakaibigan. :) Sana. :)

Ehra Dyosa

Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon