March 23, 2014 pa rin, bakit ba?
Mood and cause of it: Binalikan ko 'yung mga pinagsusulat namin ni Blue nung birthday nya. Hindi ko pala nakwento na iniyakan nya ako! Hahaha, siraulo sya. Nung pumunta kami ng Zambales, nung pauwi kami bigla syang huminto sa pagdadrive tapos niyakap nya ako tapos naramdaman ko na lang na basa na balikat ko. Syempre, nagpanic ako! Tinanong ko kung bakit tapos sabi nya masaya lang talaga sya. Hindi naman sya humahagulgol or what. Ang tahimik nya nga e. Sabi nya kasi nun na lang ulit sya nakabalik dun. Ay may regalo kaya ako sa kanya, puso ko! Haha joke. Binigyan ko sya ng bracelet na silver (kasi mayaman ako nun) tapos ewan ko ba, feel na feel nyang matahimik nun. Saka nanuod rin kami ng movie, na naluluha sya sa ending kasi nagkatuluyan 'yung mga bida. Ang cute nya, grabe. Feeling ko naiin love ako lalo kapag naaalala ko.
Saka 'yung sinulat nya pa sa notes... :)
How did the day go: Namimiss ko na si Blue... Bakit ko ba kasi 'to ginagawa sa sarili ko!? Kakausapin ko na talaga sya bukas. Malaya naman akong magmahal ah?
Deep thoughts:
Other matters:
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...