April 19, 2014
Mood and cause of it: Wala ako sa mood. Magmula nung bumalik kami mula sa Zambales tapos nagkakwentuhan.. magmula nung tinanong ni Blue kung ano bang problema.. feeling ko mas lumala lang 'yung sitwasyon e. Tumatawa naman ako nung kasama ko sya. Maayos naman pakiramdam ko nun, at cool na cool pa akong sumama sa kanya! Wala, parang wala talaga akong problema nung kasama ko sya pero pag-uwi ko, nanlumo na naman ako. Hanggang ngayon... Nung araw nga na 'yon, hindi ko sigurado kung masaya ako o ano.. Ah, ewan.
How did the day go: Tawag ng tawag si Blue. Hindi ko sinasagot.. paano kung tanungin nya ako tungkol kay Jana? Anong sasabihin ko? Nagkita rin kami kahapon dahil kinuha nya 'yung phone nya, pero wala talaga ako sa mood kaya nag-offer sya na ihatid na lang ako pauwi. Um-oo naman ako kahit gusto ko pa syang makasama. Haaaaaaaayy.
Deep thoughts: Bakit kasi ako pa...? Hindi ko alam kung nasasaktan ako o ano e. Basta, nanlulumo ako.
Other matters: ....ano ba naman 'to.
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ЧиклитAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...