January 28, 2014
Mood and cause of it: Hindi pa rin kami nag-uusap ng mga kaibigan ko which explains why mag-isa akong naglunch kanina. Hindi ko sila sinabayan at hindi rin naman nila ako sinabayan. But, Blue talked to me again and that's nice. :)
How did the day go: Dahil nga wala akong kasabay ay nauna ako sa classroom, tapos konti pa lang rin 'yung mga estudyante, at biglang dumating si Blue. Nakaheadphone sya, nakaearphone rin naman ako tapos bigla na lang syang lumiko sa may row na pinupwestuhan ko tapos tumabi sa akin. Tinignan ko lang sya, tapos tinanggal nya yung headphone nya AT 'YUNG EARPHONE KO! Edi nagsalita ako, "Problema mo?" Sabi nya wala naman. Tapos hindi ko alam kung bakit ko nasabing "H'wag mo akong kausapin, hindi kita kilala." TAPOS AYUN NATAHIMIK TULOY SYA! Mga five minutes siguro syang tahimik nun, naisaksak ko na nga ulit sa tenga ko 'yung earphone ko e. Tapos ayun tinanggal nya ulit. Sabi nya: "Hello, I'm Blue." Sabay abot ng kamay nya. Tinaasan ko ulit ng kilay. Sabi ko: HI, I'M ANNOYED. Tapos nagulat na naman sya syempre. Kinunotan ako ng noo! Sabi nya: 'Bakit ang sungit mo?' Sabi ko,
Deep thoughts: natural na 'to sa akin.. tapos sabi nya, "Hawakan mo ang kamay ko, mawawala pagkabadtrip mo." AT 'YON ANG TURN KO NA MAGKUNOT NOO! Pero hindi ko alam, nakipagkamay ako e. Wala namang masama kung subukan ko, saka kami kami lang naman! Tapos bigla na lang akong natawa. Ewan. Tapos ayun, nagkwentuhan kami tungkol sa type naming music, at nalaman kong marunong syang kumanta. Kaya ba ganon 'yung boses nya? Haha. Ang lumanay kasi ng boses nya, parang hindi nga panlalaki (joke). De, basta, para sa akin ang ganda ng boses ni Blue. Hindi ganuon kalalim pero hindi naman matinis
Other matters: Saka nung tumawa sya kanina? Ang ganda lang pakinggan. Ewan ko ba dun! Pinagtitripan ata ako! Gumaganti? Haha. Anyway, dahil sa kanya, medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Ehra
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...