February 7, 2014

19 2 0
                                    

February 7, 2014

Mood and cause of it: Blue but not because of Blue.

How did the day go: Sa sobrang sama ng loob ko sa mga kaibigan ko, nahatak ko pa si Blue sa kung saan. Nag-aantay na ako ng jeep kanina, tapos nilapitan nya ako. Actually nauna nga ako umalis ng school tapos naabutan pa nya ako. Wala, nilapitan nya lang ako tapos tinanong kung anong problema.. tapos muntik na ako umiyak kaya hinatak ko sya papunta sa Cubao. Ang layo nga ng nilakad namin e, nakarating kami sa Farmer's, parang tanga. Hinayaan nya lang naman akong magsalita ng magsalita habang naglalakad kami. Tapos pagdating namin sa SM Cubao, nilibre nya ako ng Zagu. Basta hindi sya nagsasalita tapos nakikinig lang sya. Tango naman sya 'pag nagsabi ako ng "DIBA?". Ayun, ganon lang. Ang saya.

Deep thoughts: Hindi naman nya siguro ako hinusgahan? Saka siguro okay lang naman. Ewan. Nababother ako. Sana trustworthy sya.

Other matters: Sana makausap ko pa ulit sya para malaman ko naman 'yung opinion nya sa mga pinagsasabi ko haha. Nakakahiya.

Ehra

Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon