May 11, 2014
Mood and cause of it: Hindi ko magawang kiligin. Siguro kung hindi ko alam na gusto nya si Jana, baka nagtatatalon pa ako sa tuwa ngayon o kaya pinanggigigilan ko ang ballpen na hawak ko. Eh kaso kasi hindi e. Hapon pa lang at wala pa akong planong matulog pero nagsusulat na ako dito. Nakakabadtrip kasi si Blue.
How did the day go: Pumunta sya dito, may dalang panuhol. Binigyan nga ako ng Toblerone na parang kasinlaki na ng braso ko. May dala pa syang gumamela! Inaalayan nya raw ako para hindi na ako magtampo sa kanya. Sira talaga 'yun. Hindi ko alam kung ramdam nya ba o ano e, hindi ko alam kung dahil nga friends kami o totoo 'yung... AHHH ANO BA EHRA! Tigilan mo na nga 'yaaan. Binalik nya na rin pala 'yung libro ko.
Deep thoughts: Nagsorry sya, sa hindi nya alam. Dahil mataray ako, sabi ko "Bakit ka nagsosorry kung hindi mo naman alam 'yung kasalanan mo?".
Sagot nya: May ideya ako, pero paano kung mali pala? Alam kong may kasalanan ako pero hindi ako manghuhula. Sana maintindihan mo na nagsosorry ako kasi pinahahalagahan ko kung anong meron tayo.
Other matters: Sira pala sya e. Ano nga bang meron kami? W A L A!
Wala.
Wala...
E (Namiss kong matawag na ganito.)
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...