March 23, 2014
Mood and cause of it: Oh edi ako na ang umasa na may gagawin si Blue na effort para maging close kami ulit, o para man lang mapilitan akong kausapin sya. Baka busy rin sya. Hindi na kasi tumatawag e. Saka hindi rin sya nagmemessage or kahit tweet, wala! Namimiss ko tuloy. Bakit ko nga ba kasi pinipigilan ang sarili ko? Gusto ko sya. Hindi ko nga binura 'yung I love you na naisulat ko sa notes nung March 10 e. Kaso bakit kasi gusto rin pala sya ng kaibigan ko? Ano 'yun? Igigive up ko ang love story ko para sa friendship? Okay, sige ang sama na talaga tignan pero halata naman diba? Lalapitan ba ako ng ganon ni Blue kung wala lang sa kanya? Ano ba.. and as if hindi naman obvious na naiinis sa akin si Jana dahil d'on. Please lang, can't I have a love story?
How did the day go: Hindi naman sa.. you know.. 'yung kay Jana. Eh kasi bakit kasi?! Bakit nya ako kailangan ganunin? Eto namang Blue na 'to, wala na atang pakialam sa akin. Aaa naiirita ako sa kanila, pareho silang magulo. Bagay sila! AGH! Sunugin ko kaya 'yung Eleanor and Park na binigay sa akin ni Blue? At hindi nya pa sinasauli sa akin 'yung libro ko. Siraulo talaga 'yung taong 'yun. Ano ba kasing nangyayari!! Pwede bang bumalik na lang kami sa birthday nya para kikilig-kiligin na lang ako? Gusto kong kausapin si Blue, kaso hindi ba unfair 'yon? Ah ewan, ano ba 'tong iniisip ko? Kakausapin ko na nga sya bukas... Oh siguro hindi. Bakit ba kasi naaano ako? Hindi ko rin kasi talaga maexplain 'yung nararamdaman ko. Gusto kong angkinin si Blue kaso, ang absurd naman. Wala akong matibay na basis.
Naks naman Ehra! Anong nakain mo at ganyan pinagsasabi mo?
Deep thoughts: Siguro kung hindi nasabi sa akin ni Bree 'yung tungkol kay Jana, hindi ako mababother ng ganito. Actually hindi ko talaga alam kung dahil kanino kaya ako naguguluhan. Dahil kay Jana ba, kasi kaibigan ko sya at pareho kami ng gusto? O dahil kay Blue, kasi gusto ko sya at NILALANDI nya ako pero hindi ako sure kung anong meron sa amin? Ang gulo lang. Teka, naguguluhan na talaga ako. Ayoko na magreview. Si Bree pa! Parang may bumubulong sa akin na may something sa tawag ni Jana nun, na parang sila talaga ni Bree ang may issue.
Other matters: Ah, ewan. Blueee sana alam mo na.. na gusto ko talaga ng pizza ngayon. Mabait ka naman diba, binilhan mo nga ako ng pizza dati kasi gusto ko ng pizza....
E
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...