May 16, 2014

13 1 0
                                    

May 16, 2014

Mood and cause of it: Nag-away kami ni Blue. Hindi ko alam kung paano nya natunton 'yung studio pero nung pauwi na ako, nakita ko syang nag-aabang sa labas. Ang sama ng tingin nya sa akin, well nung una maayos naman kaso nakita nyang kasama ko si Geoff? Ewan ko! Ang layu-layo namin sa kanya tapos bigla nya kaming nilapitan tapos hinatak nya ako, uuhh 'di naman marahas? Hinawakan nya lang ako sa wrist tapos parang inaya maglakad, ganon. Siguro kung hindi ako naiinis sa kanya, kikiligin pa ako eh. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Geoff. Hindi ko rin maintindihan kung anong problema nya, basta hinatak nya lang ako hanggang dun sa malapit na parking area tapos nagsigawan kami sa parking. Ugh. Napapairap ako 'pag naaalala ko. Ba't ba kami nag-away? ANG GANDA PA NG PAGKAKASUMBAT SAKIN NG LOKO! Kaya raw pala hindi ko sya pinapansin.. tapos nagtrail off sya at ang kapal pa

How did the day go: talagang tignan ako ng ganon. Tinanong ko sya kung ano bang problema nya, aba, sagot nya ako raw ang problema nya. Dun talaga ako nainis sa kanya.. Sabi ko BAKIT MO KO POPROBLEMAHIN? KASI HINDI PA RIN KITA NALALAKAD KAY JANA? Tas sinigawan nya rin ako na hindi ko raw kasi naiintindihan. I gave him a look to explain, kasi pagod na pagod na talaga ako, pagod na pagod na akong isipin sya, umasa sa kanya, pagod ako galing sa workshop, pagod na akong mag-isip kung ano bang nangyayari tapos bigla nya akong gaganunin? Anong nakuha kong sagot sa kanya? WALA. Itinikom nya ang bibig nya. Ang tagal ko ring nag-antay na magpaliwanag sya pero wala syang sinabi ni isa.

Deep thoughts: Hindi ako tanga para hindi malaman 'yung rason sa ginawa nya kanina pero tangina naman, aasa na naman ba ako? Ayoko na.

Other matters: Ang kapal ng mukhang ilayo ako kay Geoff tapos nung aalis na ako, hindi naman nya ako pinigilan. Ano ba talaga?

Nagtext sya, sorry raw. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at napasagot ako na 'wag muna syang magpakita sa'kin hangga't wala syang planong magpaliwanag ng maayos. Hindi na nagreply.

Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon