March 14, 2014

22 2 0
                                    

March 14, 2014

Mood and cause of it: Pesteng Blue. Journal and Day invader! Ikekwento ko ba? Ang haba nitong araw na 'to.. grabe.

Nagsimula ang araw ko sa isang tawag. Ang aga-aga pa lang, tumatawag na si Blue. Nag-aaya magcutting! Siraulo HAHAHAHA Eh syempre 'di ako pumayag, kaya nung uwian kanina, kinidnap nya ako! (Joke, nagpaalam ako sa kanilang lahat.) May kotse nga syang dala!! Tapos una, nag-mall kami. Kain raw muna (uy libre nya lahat grabe). Sabi ko pizza, tapos edi sa Shakey's kami kumain. Nagkwentuhan lang kami.. hanggang sa ninakaw nya ang journal ko! Bukas kasi 'yung bag ko tapos kinuha nya bigla. Eh mas matangkad nga kasi, ayun, may nabasa s'ya. Ang malas pa, nabasa nya 'yung sa may 'Magsusulat ako ng facts about Blue' tapos ayun, nangulit na... kaya sa notes nito, may 20 facts about Blue.

How did the day go: Hinayaan ko lang sya sa journal ko kasi nagpromise naman sya na hindi sya magbabasa, magsusulat lang raw sya (para sa 20 facts) kaya nag-CR muna ako. Tapos pagbalik ko, nasa bag ko na 'yung journal, si Blue, nilalantakan 'yung pizza. Matapos ng Shakey's, nagroadtrip kami (AT DUMAAN PA KAMI NG EXPRESSWAY!). Nagulat ako kasi ang layo talaga ng pinuntahan namin! Kailangan pala talaga ng kotse hahaha. Pumunta kami somewhere in Zambales, kasi sabi nya may namimiss syang lugar (at tao, siguro). Medyo nakakatakot 'yung dinaanan namin papunta kasi puro puno though may daanan naman ng sasakyan. Parang dun napupunta 'yung mga naro-Wrong Turn eh hahaha. Tapos may pinasukan kaming subdivision (na executive subd. yata) tapos sa may dulo nun, may clubhouse na nakatanaw sa lake. Hindi ko nga mawari kung bakit nung napunta kami sa may lawa, natahimik sya. Walang tigil nga 'yung bibig nya kakakwento ng childhood nya e. Natahimik bigla, tapos niyakap nya lang ako.

Deep thoughts: Iba 'yung dinaanan namin pauwi, hindi na dun sa parang gubat. Gusto kong magtanong ng magtanong kaso ang tahimik na talaga ni Blue. Tapos nung familiar na 'yung lugar, ayun natulog na lang ako. Ginising nya lang ako nung hindi nya alam kung saan bahay namin. Hay Blue.

Other matters: Nakatatlong yakap sya sa akin kanina. 'Yung sa may lake, mas matagal, kaya niyakap ko na rin. HAHA ANG DRAMA NI BLUE

P.S. : Salamat raw.. :') kausap ko kasi sa phone

E ❤

P.P.S. : Ihihiwalay ko na nga 'yung entries ko na tungkol sa kanya. Mahuli pa ako! Buti na lang nasa dulo 'yung notes, 'no?

Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon