January 21, 2014 - A nice day :))))))
Mood and cause of it: HELLO! Nagiging masiyahin na ako dahil sa lalaking 'yon. Ngayon ko lang ata nalaman na kaklase ko rin sya sa isa pa naming subject. Nakakaloka lang. Iba ata course nya pero pareho kami ng department at natatandaan ko rin na puro sa course nila ang inenroll kong subject (don't blame me! Mas maayos ang sched kapag duon!) Second year pa lang naman kami kaya halu-halo pa. And little did I know, kaklase ko rin sya sa sa English! Which is... sobrang nakakaloka. Ako kasi 'yung nagcheck ng papel nya, hindi ko naman siya kilala by name kaya tawag ako ng tawag ng kung sino 'yung Blue Rose Fernandez (na nagpanosebleed sa akin sa essay nya). AKALA KO BABAE! And not to mention, ang ayos nya pa magsulat! 'Yon nga lang, medyo fail ang score nya sa multiple choice and such. 'Yung first part (identification, 25 pts) puro tama then
How did the day go: pagdating sa may gitna, hindi na. Medyo ano tuloy.. nakakaturn off? LOL Hindi naman kasi ang galing nya magsulat. At nginitian nya naman ako ng sobra-sobra tapos nung nakita nya 'yung score nya, nahiya ata! Ayun, tumalikod na. Medyo nakakahiya nga naman but I gave him an encouraging smile. Sana nakita nya.
Regarding with my score, maayos naman at katanggap-tanggap.
Deep thoughts: Dapat ko na ata talagang tanggalin 'yang 'How did the day go' na 'yan. Nabibitin ako sa pagsusulat!
At uulitin ko: Nakakatuwa na finally, alam ko na ang pangalan nung lalaking 'yon.
Other matters: Nagugutom na ako... Gusto ko na umuwi.
Ehrababes
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...