January 25, 2014

22 3 0
                                    

January 25, 2014

Mood and cause of it: I forgot to tell you about the happening yesterday. Not the thing between me and Blue ha!! Sobrang pagod kasi ako kahapon kaya ngayon ko na lang sasabihin. Kahapon, nakahalata na ata sila tungkol kay Blue though wala namang something sa amin. Inasar lang nila ako ng inasar nung pauwi na kami. Kesyo lumalovelife raw ako, kesyo ipinagpapalit ko na raw sila sa lalaki. Tapos sabi pa ni Jana bakit raw ako nagpapaligaw na.. eh wala nga kasi ako sa kondisyon na kausapin sila. Ayaw ko silang kausapin at nainis ako sa ginagawa nila, so I snapped. Sabi ko "Tigilan nyo nga ako! Ayoko kayong kasama!" Tapos iniwanan ko sila. No one dared to come after me at hanggang ngayon ay wala pa ring nagtetext sa akin. Grabe naman diba.. bakit ganon? Diba dapat hindi sila papayag na ganon 'yung nangyari? Diba dapat hindi sila papayag na

How did the day go: maghihiwalay kami na may samaan ng loob? Bakit ganon, wala ba akong halaga sa kanila? Anyway naisip ko na 'yon dati na baka nga. Kasi gaganunin ba nila ako kung hindi? Nakakainis talaga. Simula kailan pa ba 'to? Pakiramdam ko kasi hindi ko deserve na matrato ng ganun, 'yung binabalewala? Because as much as I could pinatutunguhan ko sila ng maayos. As much as I could lahat ginagawa ko pero bakit parang ganon, bakit parang nabubully pa ako. Ewan ko. Ewan ko na talaga. Bahala sila. Bahala silang lahat. Baka kahit hindi ko gusto, maging masama ang pakikitungo ko sa kanila. H'wag lang talagang.. ay ewan. Siguro kailangan kong mag-isip.

Deep thoughts:

Other matters:

Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon