April 10, 2014
Mood and cause of it: Masaya? Kasi binigyan ako ng pangmall ni Papa kaya ayun, buong araw akong wala sa bahay.. :P
How did the day go: Ang dami kong binili! Natawa nga si Papa pag-uwi ko, nagtanong kung kulang pa raw ang binigay nya. Nagbibiro lang naman sya! Pero feeling ko nasobrahan talaga ako sa gastos kanina. Halos lahat ata ng boutique sa mall, pinasukan ko at binilihan ko, charot! Ang daming boylets!! At.. nakita ko sya. Haha ang lupit ng tadhana, 'no? Nakita ko talaga sya. Hindi naman sya nagbother na lumapit kaya hinayaan ko lang. Nanuod din ako ng movie mag-isa... tapos naalala kong hobby nya 'yon kaya muntik na akong lumabas mid-show.
Deep thoughts: Tinawagan nya ako after naming aksidenteng magkita, hindi ko sinagot. Medyo nahalata ko rin na nagulat sya nung nakita ko sya.. Ah basta, nasa likod ko kasi sya tapos napalingon lang ako. Nagtext rin sya.. kanina lang na pagkauwi ko saka ko nabasa...
"Hanggang kailan mo ako iiwasan?"
Hangga't kaya ko Blue.. O baka hangga't hindi pa kita kayang kausapin? Naguguluhan na rin ako Blue, pasensya na.
Other matters: Ano bang nangyayari sa'yo, Ehra?
E
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...