Notes #2 - DMing with Blue (March 10)
So Blue DMed me on Twitter....... :)
Hello, Eff.
Pati ba naman dito? (Tanong ko, kasi pwede namang sa FB na lang since duon naman talaga nya ako chinachat?)
Mas active ka dito e, sorry na. Nakauwi ka na?
Oo. (Sa kilig, oo na lang ang naisagot? Sabagay kapag kinikilig ka nga naman, Oo ang isasagot mo lalo na kung nagpopropose sya diba)
Sobrang nakakapagod mag-antay 'no? Hindi mo alam kung dadating ba o hindi. Minsan nandyan na, hindi naman para sa'yo.
Humuhugot ka ba Blue?!
Bakit, masama ba?
Hindi naman.
Anong ginagawa mo?
Nagbabasa.
Nakakaistorbo ba ako?
Uy hindi. Ayan na ibinaba ko na 'yung book.
Anong binabasa mo?
An Abundance of Katherines ni John Green
Maganda ba?
Siguro... Interesting... Nirecommend lang 'to nung bansot kong kaibigan e.
Wew. Nagsalita ang matangkad.
Mas matangkad naman ako sa kanya.
So pwede kitang tawaging bansot kasi mas matangkad naman ako sa'yo? :P
HAHA 'WAG!
Don't worry, hindi. Eff pa rin ang itatawag ko sa'yo.
Ewan ko sa'yo. (Eff kasi tawag nya sa akin sa chat, pero kapag magkausap kami, Ehra o kaya E.)
Dapat sabi mo whattheEFF
Pinagtitripan mo na naman username ko. Ibablock kita.
Uy 'wag E! Hahaha
Sa'yo ba 'yung book?
Oo, binili ko kanina.
Pahiram ako pagkatapos mo ha. Pabasa rin. :)
Bumili ka ng iyo.
Pahiramin mo na lang ako, iingatan ko promise.
Ehra Faye Fuentanillea!
Pahiram ha. :)
Iingatan ko naman e.
Pleaaaase!
Oo na.
Hehe. Salamat.
Okay na kayo?
Oo.. thank you nga pala.
Walang anuman. Tayo rin, sana okay na ha?
Oo.
Bakit parang hindi?
Eh....
Kakausapin kita bukas, 'wag mo kong iwasan ha...
Please.
Nasaktan kaya ako nung hindi mo ako pinansin.
'Wag mo na ulit gagawin 'yon ha.
Ha, please? 'Wag mo kong hindi pinapansin... masakit talaga.
Seryoso.
Ang drama mo.
Basta ha?
Matulog ka na. Madaling araw na.
Mamaya na.
Mga 5am?
'Wag. Paano naman 'yung mga nag-aalala sa'yo? Magpahinga ka na.... :)
Oo na!! Good night!
Good night, E. :)
--
Sorry blue nagsinungaling ako kasi hindi pa rin ako natutulog. Natulog ka na ata e, pero eto ako, sinusulat 'yung mga pinagsasabi mo.. kasi natatouch ako e! Bakit ba. Haha. Hayaan mo, okay lang naman talaga e. Tagal na rin nating usap ng usap, ngayon pa ba kita 'di iintindihin? Ikaw naman :)
I.. love you.
Shit. What did I just..
WTF.
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...