April 8, 2014

18 2 0
                                    

April 8, 2014

Mood and cause of it: NAPAKABORING NG BAKASYON NA 'TO. Gusto kong mag-enroll sa dance workshop para may magawa naman ako bukod sa pag-aantay na tawagan ako ni Blue, imessage o kaya naman ay ayain sa kung saan. Haha... haha kunwari okay na ako. Feeling ko tataba ako kasi kain tulog laptop ako e. Mag-uurong ako kapag tanghali tapos 'yun na 'yon. Nabobored talaga ako... saka namimiss ko na sya.

How did the day go: Ehra, ano ba kasing problema? May times nga dati na ikaw ang unang nagtetext e, minsan ikaw rin tumatawag. Ganun kayo kaclose! Eh ngayon? Anong nangyari?

Deep thoughts: Eh kasi naman Ehra, ayoko na muna syang kausapin. Nakakailang kaya.. saka kasi baka mabasa nya na affected ako. Benta naman ata sa kanya 'yung dahilan ko na may inaasikaso kasi ako. Ah, tama! Ipananangkalan ko 'yung paghahanap ng dance workshop center!

Other matters: Great.. now I'm talking to myself because I can't talk to Blue.

Pakituruan naman ako kung paano maging masaya para sa taong hindi naman ako gusto. Well siguro magiging masaya ako kasi masaya sya.. 'yun nga lang, masasaktan din ako at the same time...


Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon