June 25, 2014
Mood and cause of it: Wala na talaga akong pakialam sa kanilang dalawa. Narealize ko lang, hindi ko na sila pinapansin.
How did the day go: Kinukulit ako ni Geoff, pumunta rin s'ya sa school kanina kasi may kakilala daw s'yang part ng dance troupe namin! Nagkita rin kami, syempre, at ang gwapo nya pa rin! Pinakilala nya rin ako kay AJ, tapos inaya ako na sumama sa dance troupe, nakakahiyang tumanggi pero tinanggihan ko muna haha. Binola pa nila ako (na nagpabola naman ako) tapos sabi ni AJ, kung magbabago raw isip ko, hanapin ko lang sya at pasok na kaagad ako. Hahaha magbestfriend ata 'yung dalawang 'yon e.
Deep thoughts: Nagtatry si Blue na kausapin ako, but no. Ayoko muna syang makausap. O baka, ayoko na talaga syang kausapin.
Other matters: Magkikita ulit kami ni Geoff next week! :] Haha assumera. Magkikita-kita lahat ng kasama sa workshop nung summer kasi nirecommend kami ni Miss Ellen para sumama sa production number sa concert nung isang ewan dito!! MY GOODNESS!!!!!! Ang saya-saya ko!!!!!
Ehra baby~
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...