January 22, 2014

29 3 0
                                    

January 22, 2014

Mood and cause of it: Medyo maayos naman. Kasama ko 'yung tropa ko kanina at wala naman akong napansing kakaiba o kahina-hinala sa mga ikinikilos nila (secret agent ako, h'wag kayong maingay). O baka kasi maganda lang ang simula ng araw ko? Kaninang bumabyahe ako, kulang ng piso 'yung siningil. Lagi nga akong magbabayad ng buong bente haha. Kaso minsan 'pag buong pagmamahal mo ang ibinigay mo, sobra ang kukunin nila at kulang ang ibabalik sa'yo. Oh saan ka pa? Nagbayad lang ako sa jeep napahugot na ako. Mga taong katulad ko talaga ('yung mga adorable at hindi ka iiwan) dapat minamahal. Dapat dinedate. Nabasa ko nga sa Twitter, Reasons to date me: 1. Sometimes I'm funny; 2. No one will try to steal me from you. Ang sarap imention si BRF eh hahaha uy may account sya d'on! Kaso hindi nya ginagamit? Last year pa 'yung huli nyang tweet e. O baka may

How did the day go: iba syang Twitter account. AT SPEAKING OF BRF.... makikita ko sya ng Monday to Wednesday at Friday. Di ko alam 'pag Thursday kasi PE lang namin nun tapos hindi ko naman sya kaklase. HALA! Ano 'to? Pinaplano ko na ba ang aking mga pang-istalk! Nga pala. Kanina ko lang rin nalaman na kaklase ko na naman sya. Logic naman! Haha AASA PA BA AKO? Sa mga minor subjects ko lang talaga sya makakasama kasi magkaiba nga kami ng course! Sana magshift sya, LOL. Tapos nakakatawa lang, kasi na-LSS ako sa Take Me To Your Heart ng MLTR (dahil sa kanya rin actually kasi bigla ko syang naisip nung tumugtog 'yun sa PC ko). Tapos medyo nagsesway-sway 'yung ulo ko kasi feel na feel ko talaga 'yung kanta tapos NAKAKATAWA! Kasi bigla akong napatingin sa kanya, tapos nakatitig pala sya sa akin. NAKAKATAWA NA NAKAKAHIYA!

Deep thoughts: Nakakainis 'tong Blue na 'to. Badtrip. Sige simula ngayon, favorite color ko na ang blue. CHAROWT LANG! Sya nga mukhang hindi nya gusto ang blue dahil puro itim ang gamit nya. Galing rin nya pumorma haha sa ORIG 'YUNG VANS NYA! Rich kid! Ganda rin ng phone nya. Ang puti rin nya. UUHHHHH!!!!

Other matters: Ang gwapo ng lalaking nakaputing polo, promise. May nakasabay ako sa jeep kanina, nakaputing polo tapos jeans tapos top-sider na brown tapos ANG GWAPO HAHAHA Wala lang. :)

Love,

Eh-ruhh

Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon