January 23, 2014

28 3 0
                                    

January 23, 2014

Mood and cause of it: Bakit ako kinikilig bakit ako kinikilig bakit ako kinikilig! Mukhang magkakaroon ata ng Blue Streak ngayon, na ikinatutuwa ko naman. Kinikilig talaga ako. Bakit!? Nakakaasar! Parang hindi lang naman 'yon 'yung time na nginitian nya ako pero bakit ako kinikilig! Okay, ganito kasi 'yon. Dirediretso na sulat, nagmamadali ako. So, nakatambay ako sa third floor ng mag-isa. Nasa corridor ako at nagmumuni-muni nang matanaw ko sya sa second floor! Sino ba nagdesign ng building namin? Nasa inner kasi 'yung mga corridor kaya nagkakatanawan ang mga tao lalo na pag may nagcoconcert sa open field sa gitna hays. Nabasa ko sa secret files na may nagkasparks-an dun! Hala sana ako rin hahaha. So ayun nga nakita ko sya sa second floor, mag-isa lang syang naglalakad. Tapos nakaheadphone sya (ang cool talaga nung headphone nya)

How did the day go: Tapos HINDI KO ALAM KUNG BAKIT AKO NAPATINGIN, NAPATITIG AT SHEMAY LANG! Tumingin din sya pero imbis na mastartle ako at mahiya, tinitigan ko lang sya. Tapos nung una inignore ako ng gago, eh nakatitig pa rin ako. Tuloy lang sya sa paglalakad tapos after ilang hakbang tumingin ulit sya, at duon na ako nahiya! Edi tinignan ko na lang 'yung mga tao sa field na medyo walanghiya at makakapal ang mukha. GUSTO KO NANG TUMAKBO AT DESIDIDO NA AKONG UMALIS, tapos napatingin pa ulit ako AT SAKTONG NAPATINGIN RIN SYA SA AKIN SHET LANG TALAGA HAHAHAHA Medyo natawa sya tapos ayun ngumiti na lang sya tapos kumaway. Alangan namang snob-in ko? Ngumiti rin ako at nag peace sign. HAHAHAHAHA ANG KAPAL KO HAHAHAHA Ayun lang. Ang gwapo nya sa malayo.

Deep thoughts: Bakit ngayon lang ako kinilig? Promise hindi ako kinikilig kanina nung nangyayari 'yun. Siguro nasa jeep ako nung napangiti ako bigla tapos ang sarap tumawa ng malakas, manghampas ng katabi, maiyak at magtatatalon pero dahil hindi pwede ay nanahimik na lang ako. Pag-uwi ko? Ayun sabog.

Other matters: ANO BANG NANGYAYARI HA PARA NGINITIAN KA LANG E.

De, parang may ano kasi.

Parang may sparks? Haha. :')

Love,

Ehra

Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon