April 3, 2014
Mood and cause of it: Unang araw ng bakasyon. Unang araw ng pagmumove-on. Uy rhyming! Medyo maayos naman ang mga sagot ko sa mga exam kahapon... Saka.. dun sa sinabi ni Blue na ilakad ko s'ya kay Jana.. um-oo ako.. mga ilang araw after nya sabihin. Kinulit nya kasi ulit ako kaya um-oo na lang ako para magtigil sya. Kaya lang, wala naman akong planong gawin 'yun.. or more like wala pa akong lakas. Next time na lang siguro? 'Pag medyo hindi na masakit? Hahahaha
How did the day go: Ayos naman. Nag-ayos ako ng bookshelf ko saka ng lamesa. Gusto kong magmall para bumili ng bagong libro o kaya magliwaliw kaso tinatamad akong lumabas ng walang kasama. Kung hindi lang awkward ayain si Blue e. Pwede naman, kaso baka mahalata nya na may issue ako sa kanya. Galing pa naman nun magbasa ng facial expression ko. H'wag na 'no! Baka lumala pa problema ko.
Deep thoughts: Naalala ko lang, magmula nung naging close kami (na mas kasama ko sya kesa sa mga kaibigan ko), palagi nya akong tinatawagan 'pag Sabado. Mag-aaya sya, o kaya mangungulit kasi bored daw sya.. so ano ako? Libangan lang? Hahaha. Siguro may iba na syang tinatawagan...
Other matters: Dapat yata hindi ko binigay 'yung number ni Jana........
Ehra
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...