May 3, 2014
Mood and cause of it: Dahil ako ay isang dyosa, hindi ko na muna sila papansinin. And yes, matagal-tagal ko na ring hindi nakakausap si Blue dahil nasa ibang bansa ata? O baka nasa probinsya? I don't know. Rich kid kasi. Hindi nya rin naman ako kinakausap... BAHALA SILA. Magsama-sama na lang kaya silang tatlo? Ang sarap nilang pagbuhul-buhulin, grabe. Akala ko ako 'yung magulo e. Sila pala! And worst, nadamay pa ako! Gusto ko lang naman si Blue a? Bakit pati ako magdurusa sa ewan?
How did the day go: Finally enrolled! Three-week dance workshop nga lang, Monday-Friday at magpapakabusy na rin talaga ako. Ayoko muna sila kausapin, hanggang ngayon, sumasakit ang ulo ko. Medyo wala na rin naman sa kanila ang atensyon ko kasi nagpapakabusy na ako sa sandamakmak na librong binili ko nung April. Nagpaalam na rin ako sa SNS at sa phone ko for a while. Ang galing nga e, nakaya ko. Kulang na lang, baliin ko ang sim card ko at manirahan ako sa kweba.
Haha.. nakakatawa kasi alam ko naman kung bakit ko ginagawa 'to ngayon. Aaminin ko, nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Si Blue, gusto si Jana. Si Jana, hindi gusto si Blue. Pero parang 'yun nga 'yung point nun diba? Paglalapitin ko since ako ang tulay. Hahahahaha ang bongga kong tulay, inalayan ng rosas, libro, oras at ginawang espesyal.
Deep thoughts: Kahit gaano ko ideny, nasasaktan pa rin ako. Itago ko man, masakit pa rin e. Siguro mag-aartista na lang ako... hahaha..
Other matters: ........sana may pogi akong makasama sa workshop hahahahaha
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...