December 22, 2013
Mood and cause of it: ECSTATIC! 'Yung Christmas party ang dahilan dahil wala lang, nakakatuwa kasi talagang sumayaw. And nakakamiss rin. I'm very honored to perform! Kasi at least recognized nila na isa sa mga passion ko ang pag-sasayaw. Medyo nakakairita lang si kuya kasi tawa ng tawa. ANG SAGWA KO RAW KASING SUMAYAW!
Nagsalita ang magaling sumayaw.
How did the day go: Ayun nga, Christmas Party. Pagod na 'ko. Ano baaaaa. Nga pala, kanina may gwapo dun sa event. Ang ganda ng ngiti! Kaso hindi ko nakita masyado 'yung mukha, nasa may madilim na part kasi sila nung family (ata) nya. Pano ko nasabing gwapo? Wala lang, ang ganda ng ngiti e!
Nakangiti sya sa akin :P
Deep thoughts: Burahin ko kaya 'yung 'How did the day go' para mas dirediretso 'yung flow. Eh wala e. Nandyan na. Sayang 'yung ink na iprinint sa papel. HOY FYI ANG MAHAL MO HA. Kaya susulitin ko ang bawat papel mo.
And... hindi kaya engkanto 'yun o multo? ('Yung gwapo kanina)
Other matters: I really should limit myself from buying things na hindi ko naman ganuong kinakailangan. Hindi naman sa pinagsisisihan kong binili ko 'to (Hey journal, you're so cute kaya).
Similarly, dapat hindi tayo umasa sa hindi naman natin kailangan! #HugotLang
Ehra
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...