May 14, 2014
Mood and cause of it: Matutuwa ba ako? Kasi nagtext si Miss Ellen kanina, h'wag na raw kaming pumasok dahil masama ang panahon. Baka magkasakit pa raw kami at mas lalong hindi makapasok sa mga susunod na araw. So far, ang bago ko pa lang na natututunan sa workshop na 'yon ay ang pagbi-B boy! Aw yeahh ang galing talaga. Nagulat nga ako nung biglang nagganon si Miss Ellen nung Monday! Nakakaloka talaga.
How did the day go: Wala, same boring day kasi nga walang pasok. Dapat tuwing weekend na lang ako magsusulat kaso ayun, wala nga kasing magawa kaya eto.. AY ALAM KO NA PALA PANGALAN NI POGI! Si Geoff ehehehe kasi akalain mo nga naman tinuruan nya ako kung paano 'yung tamang galaw ng paa nung isang araw hehe. Tapos medyo kinausap nya ako nung break saka kahapon nagkakwentuhan kami ng mas matagal. Ah basta, ang pogi kasi. Sarap magflip ng hair grabe.
Saka hiningi nya rin number ko. Ang cute nga ng sabi nya e: "Alam kong nangunguna ka na pero pwede ko pa rin bang malaman 'yung number mo?"
UGH GEOFF!!!
Deep thoughts: Haha. MakaGeoff ako 'kala mo nakamove on na e.
Other matters: Ah ewan!
In dEnial... haha
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...