December 5, 2014
Mood and cause of it: He called. Bakit ganon? Bakit lahat ng sakit, rason para umiwas, panghihinayang.. nawala nung narinig ko ang boses nya? Bakit.. bakit ganun? Bakit ang sarap sa pakiramdam na tumawag sya ulit sa akin, nangamusta, nakipag-usap.. pero at the same time nasasaktan ako, knowing na nagmumove on na sya. Ay wait, nagmumove on nga ba sya? Ano na naman ba kasing stunt 'yon..?
How did the day go: He cried. Paulit-ulit nyang sinasabi kanina na hindi nya ako makalimutan... lasing ata. Sabi ko, baka hinahanap na sya ni Bree... hindi ko alam kung matutuwa ako nang sabihin nyang wala syang pakialam kay Bree. Haha. Nakakatawa kanina, magkausap lang kami sa phone pero nag-iiyakan kami...
Deep thoughts: He pleaded, he.. he fucking pleaded to have me..
Other matters: He gave up.
Sa kanya na rin nanggaling e.. na maiintindihan nya kung mas lalong hindi ko maibibigay 'yung chance. Nagsorry sya... Nagsorry rin ako.. tapos.. wala na.
I kept on wondering kung may kasunod pa 'yun.. parang wala na.
Sorry, Blue.
BINABASA MO ANG
Ay, Assuming
ChickLitAno nga ba ang laman ng journal ng isang taong mahilig umasa? Mag-assume? Mga kalokohang nakuha mula sa simpleng mga bagay at kalikutan ng isipan? O mga itinadhanang mangyaring hindi natupad ng lubusan dahil inakala nyang kahibangan lang? Gaano nga...