May 18,2014

12 1 0
                                    

May 18, 2014

Mood and cause of it: Last week na ng workshop this week. Sabi ni Miss Ellen mas marami raw kaming gagawin at mas mahihirap na. Ayon, ayos lang naman. Nakakaexcite.

How did the day go: Nagmall ako kanina. Hindi ko alam kung coincidence ba o ano o pinagtitripan ako ng tadhana, kasi nakita ko si Blue. Ugh. Nakita nya rin ako... masama ba 'yung ginawa kong pang-isnob? O halata na na affected ako?

Kinausap ko rin si Jana, kasi nauna sya magPM e. Sabi nya ano raw nangyari samin ni Blue. ????? Sagot ko sa kanya, diretsong "Gusto ka nga ata ligawan ni Blue. Nagpapalakad sa akin." Tapos ang sagot nya? "Naniwala ka naman."

Oh edi sila na may alam na hindi ko alam.

Deep thoughts: Naiinip na ako. Ang tagal magpaliwanag ni Blue.

ANO BA KASING PROBLEMA NG MGA TAO SA MUNDO? DINADAMAY PA AKO.

Other matters: Nagtext pala si Geoff, sabi nya sorry raw kung nag-away kami ng boyfriend ko. Akala nya raw single ako kaya lumapit, sagot ko: 'Gago kaibigan ko lang 'yun. May topak ata.' At nahawa ata siya ng topak ni Blue. Matapos nyang tanungin kung gaano katagal na kaming magkaibigan, sabi nya hindi raw kaibigan tingin sa akin ni Blue, sigurado sya. Sarap barahin e. Oh? Sigurado ka? Tanga sinabihan nya ako na close friends kasi kami kaya ilakad ko sya sa kaibigan ko.


Ay, AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon