Chapter 5

287 6 1
                                    

Cassidy POV

Nasasanay na ako sa laging alas otso ang pasok. Nauuna na kameng umalis ni Caleb kase ang pasok lagi ni kuya Beau ay tanghali na. Kelangan nameng pumasok ng maaga, alam namen na matraffic papuntang manila.

Naging casual nlng ung pagtrato ko kay Kuya Beau. Ewan ko ba kase mas lalo binabagabag ako ng damdamin ko sa kanya.

Nakasakay na kame sa bus. Napansin ata ni Caleb na ang tahimik ko.

" Ok ka lang ba Cass?" tanong nya.

"I'm fine medyo inaantok lng ako" sabe ko. Sabay hikab.

"Ah ganun ba. Quiz mamaya ah sa Trigo at Algeb. Galingan mo" sabe niya.

"Ako pa ba Cal?" sabe ko nlng. Natawa nlng siya.

Umandar na ang Bus. Ang laging kong scenario sa bus ay nakasilip sa bintana. Naalala ko ung mga panahon sobrang close ko si kuya Beau.

"Ay kuya turuan mo naman kame ni Cal na sumayaw?" sabe ko.

Magaling kase si Kuya Beau na sumayaw.

"Sige ba, ano bang gusto nyong matutunan?" tanong nya.

Napangiti nlng ako. Tinawag ko muna si Caleb bago kame turuan ni Kuya. Sinabi ko kay Caleb na tuturuan tayo ni kuya sumayaw, kaya natuwa rin si Caleb nun.

" Kuya gusto ko ung Hip-hop. Ganda kase ung moves eh, ung parang ganto ba un?" sabe ni Caleb habang dinemonstrate nya ung gusto nyang matutunan.

" Ah, madali lng yan.Halika kayo dito ganto lng yan" Sabe ni Kuya.

Nagsimula na siyang magturo ng sayaw sa amin.Pinakita muna nya sa amin ang mga steps bago kame turuan. Nakatulala lng kame ni Caleb kase mabilis ung galaw. Nahirapan kame ni Caleb na matutunan pero medyo nakukuha na namen ung mga ibang steps. Nahirapan lng kameng isabay sa tugtog lalo na sa mabilis na part. Natatawa pa nga si kuya kase hindi namen talaga makuha ung moves, pero si Caleb nakuha nya kagad kaya ako medyo nagtatampo ako. Napaupo ako at nakasimangot, nilapitan ako ni kuya.

"Oh, cass, bakit ka nakasimangot dyan?" tanong ni kuya sa akin na medyo ngiti ngiti.

" Eh hindi ko makuha kuya eh, nakakinis, nakuha kagad ni Caleb" maktol ko habang pinapanuod si Caleb na sumasayaw sayaw sa harap nya.

Natawa naman si Kuya sa inasal ko.

"Halika nga rito, tuturuan kita. Wag mong sasabihin kay Caleb ah, pag nakuha mo kagad may regalo ako sayo. Ano ok ba un?" sabe ni Kuya na nakathumbs up sa akin.

Napangiti nlng ako, at sunod sunod na napatango.

" Opo kuya gagalingan ko na po basta po gift ko ah, secret lng po naten kay Caleb pangit hihi" sabe ko.

Napahagikgik rin si kuya. Tinuruan ako ni Kuya. Hanggang sa nakuha ko na ung steps. Vinideohan pa nga ni kuya ang unang sayaw nameng tatlo eh. Nangako siya na tuturuan niya kame ng mga nalalaman nya, kagaya ng sayaw, pati narin gitara, piano, drums, violin at flute. Pati sa sports din, tinulungan rin kame ni Kuya para maging magaling sa sports na gusto namen.

Bumalik ako sa wisyo nang pitikin ako ni Caleb.

" Para ka kamong sira dyan Cass, ngiti ngiti ka dyan mag-isa" sabe ni Caleb.

" Eh bakit ba, may naalala lang ako. KJ nito" sabe ko.

" Oh baka may nagugustuhan ka na sa room ah, nako dapat kilalanin muna namen ni kuya Beau." Sabe ni Caleb.

May pag ka-OA pa naman to. Si kuya Beau , hindi naman masyadong ganyan.

"Nako, wala , napakausisero nito, matulog ka nlng dyan" sabe ko.

Hindi na siya umimik. Kung alam mo lng Caleb na si Kuya Beau ung nagpapagulo ng sistema ko. Bahala na kung saan ako dalhin ng damdamin na to, sana lang na dalhin ako nito sa tamang daan lalo na sa panahon ngayon na masyadong mapaghusga ang mga tao ngayon. Hindi naman masamang umibig eh or magkagusto , pero tama lng ba na magustuhan ko si Kuya Beau?

P.S. I Love You Kuya #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon