Cassidy POV
Nasanay na ako na laging nandyan si Kuya. Ganado ako laging gumising sa umaga dahil naabutan ko si Kuya na sumasayaw na nakaboxer lang tapos fitted tshirt. Gosh ang sexy nya.
Kahit hindi ko sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya for sure ramdam nya yun. Sa kilos ko, sa mga ngiti ko everytime na nakakacute siya. Alam nyo na yung gwapo na nga siya nagpapacute pa, nasan ang justice dun. Choss!
Unti unting bumabalik ang dating ako na matagal ko nang binaon. Well ganito pa naman din ako pero sa mga nakalipas na taon kelangan kong magbago para sa sarili ko.
Sa tuwing gabe naman sinusundo nya ako sa office. At selos na selos ako everytime na may lalapit sa kanya at magpapapicture. Totoo ngang model si Kuya, pinakita na sa akin ang picture nang isang clothing brand at shoe brand.
Wala na talaga, tunaw na ang yelong nakapaligid sa puso ko. Natawa nlng ako kase parang nung kelan lng ang pakipot ko pa hehe
I checked my watch and it was already 8:30 pm in the evening. Bakit parang ang tagal naman ni Kuya umuwi.
Today is Saturday kaya naman naka leave ako. Umalis kanina si Kuya kase may pupuntahan daw siya. Hindi naman na ako nagtanong.
I even checked my phone kung meron siyang text sa akin. Pero kahit ni isang text nya ay wala akong nakita. I'm starting feel strange.
Pero inalis ko sa isipan ko na baka napagod na si Kuya kakahintay sa akin. I shook my head from that thought. Napaparanoid na naman ako.
Ngayon ay birthday ni Kuya at talagang naghanda ako para sa kanya. That's the least thing that I can do for him for all the efforts. For sure uuwi naman si Kuya
Kinuha ko muna ang notebook ko, actually my diary. Kahit kelan hindi naman ako tumigil sa pag sulat. Lahat ng saloobin ko tungkol kay Kuya at sa pamilya ko nilalagay ko. Pero hindi nga lng siya araw araw.
"June 13 20**
Dear Diary,
Hello diary we meet again. You know what akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganito, na Masaya ulit, na inlove ulit nang dahil kay Kuya Beau. Mahal ko naman talaga siya eh, walang nagbago dun. Mas lalo siyang gwumapo sa paningin ko hehe landi ko noh. Pero matagal naman siyang gwapo. At pinagkakaguluhan talga siya, iba talga ang kapogian nya. Ngayon ay birthday nya at Masaya ako kase dito siya magbibirthday. About naman sa family ko, he keeps on updating me. Namimis ko na rin sila hindi naman nawala yun eh. Nagalit lng talaga ako pero yung pagmamahal ko sa kanila nandun paren.
P.S. After all I must say that I love you Kuya!
Natuwa naman ako sa sinulat ko. I love you Kuya, yan naamin ko narin.
I took a deep sighed. Kahit pala anong mangyari babalik at babalik paren pala ako sa kanya.
Sumilip ako sa bintana at ang tagal nman ni Kuya Umuwi. Mag aalas nuebe na ng gabe. Hay baka busy lng si Kuya sa mga gagawin nya.
Basta nakaset na yung mga handa ko para sa kanya. Nanuod muna ako ng TV, at wala ang focus ko sa pinapanuod ko kase iniisip ko si Kuya. Pinilit ko nlng na mag stay sa iisang chanel. Inaantok na rin ako eh. Nakakaantok din manuod ng TV.
Pinatay ko na ang Tv at Umidlip ako saglit baka sakaling dumating na si Kuya pagdating ko. Hanggang sa pagpikit ng aking mata ay ang nakangiting mukha nya.
_______________________________________________________________________
Bigla akong nagising and it is already 8:30 a.m Nandito paren ako sa pwesto ko. Tumayo na ako at nandun paren ang mga pagkain na hininda ko para sa kanya.
Nasan na ba si Kuya? I checked my phone kung sakaling may text siya pero hanggang ngayon ay wala paren.
Naramdaman ko na naman ang naramdaman ko nung mga nakaraang taon. I felt so alone again and I hate it. Ngayon na nasanay na ako eh bakit parang nararamdaman ko na naman na nag iisa ako.
Niligpit ko ang mga handa at nilagay muna sa ref. Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman. Dumiretso muna ako sa kwarto ko at humiga. I stared at the ceiling and contemplate about what is happening right now.
Hindi naman ako nanghihinala or something laging napasok sa isipan ko eh, kagaya nlng ng baka sumuko na si Kuya sa akin. It's been 3 months naren since na lumipat siya dito. Isisimba ko nlng to. For sure after magsimba magiging panatag na ulit ang saloobin ko.
Effective siya, when you have a bad day or having a big problems just don't forget to pray. Nakakarelax sa piling.
9:30 ang mass na inatendan ko and hindi ako sanay na hindi ko kasama si Kuya. Kasama ko lagi siya sa tuwing mag sisimba kame kahit nung naiinis ako sa kanya.
I felt like nagkakasala ako kase wala ang focus ko sa misa at sa gospel. Tinatry kong mag focus pero naiisip ko na naman yung hindi umuwi si Kuya.
Nakikanta ako, nakisagot sa lahat ng mga responses. Singing the church songs is a good form of prayer kaya nakikikanta ako. Alam nyo yung feeling na there's something good building inside pag nakanta ka ng mga church song, nakakarelax.
Hanggan sa matapos na ang pagsisimba ko at hiniling ko na sana maging maayos na lahat at nag sorry ako sa pride kong kasing taas ng eifel tower na binuild ko sa family ko.
Hawak hawak ko ang phone ko baka sakaling nagtext si Kuya pero hanggang ngayon ay wala pa siyang text. Gumala muna ako at nag grocery. Bili ng mga kelangang bilhin. Binili ko si kuya ng deodorant kase wala na pala siyang deodorant, nakikigamit nlng siya sa akin eh. Tsaka yung shampoo kase ang lakas din nyang gumamit ng shampoo.
One time I asked him kung bakit ang bilis maubos ng shampoo and guilty naman siya na marami siyang kinuha yun daw para mainlove daw siya sa akin kaagad pag naamoy ko daw ang mabango nyang buhok. Dami talagang alam ni Kuya.
He also loves Ice cream. Nakikita ko nlng na may tupper ng ice cream sa may refrigerator, and he also love sweets.
Nagtingin tingin muna ako sa mall saglit window shoppin kung ano bang maganda at mura sa mga boutique.
Nakaaninag ako ng isang familiar na tao mula sa kinatatayuan ko na hindi malayo sa akin. Si kuya beau na may kasamang ibang babae. They're look like a couple and ang ganda ng babae. Ang saya saya ni Kuya habang kausap nya ang babae.
Nakaramdam ako ng selos. Siguro yan yung kasama nya kagabi. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. At nakita ko nlng hinawakan ni Kuya ang kamay nung babae at hinalikan naman sya ng babae sa labi. Nakita ko na parang nagulat si Kuya pero nakihalik narin siya. Hindi na kinaya ng mata ko ang nakikita ko. Masyadong masakit.
My tears escaped and it's like a falls that flowing from my eyes . Naglakad na ako na nakatungo at madadaanan ko pala ang lugar nila na malapit sa daanan.
Bakit ganun kung kelan handa ko nang mahalin siya ganito pa ang mangyayari. Pinupunasan ko ang luha ko at kahit anong punas ko hindi mawala wala ang tubig sa mata ko.
Eto na siguro ang napala ko dahil sa lecheng pride nato. Sumuko ka na ba Kuya? Kung ganon Ok lng sa akin, mahal naman kita eh. Ako rin naman ang may kasalanan. Kung nagkataon nagkagusto siya sa ibang babae habang sinusuyo nya ako ay hindi na nya kasalanan yun. Kasalanan ko.
Ang sakit sakit na! Umuwi na ako sa amin at kahit pinagtitinginan na ako ng tao dahil punas ako ng punas ng luha ay hindi ko na lng pinakelaman, nasasaktan ako ngayon at yun ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
P.S. I Love You Kuya #Wattys2016
General FictionNot a Typical Brother-Sister Relationship. A girl has a secret feelings with her older adopted brother. A guy with a family oriented rule in life, but have this strange feelings to his younger sister. How can love be with them? How can love can co...