Chapter 44

168 4 0
                                    

BEAUMONT POV

Napansin ko na parang laging malungkot tong si Cass. Nahuhuli ko siya minsan sa may terrace na parang may iniisip. Pero pag nag uusap naman kame nakangiti na siya

Yung about sa problema ni Theo, naging ok naman siya. Mas tinuunan na nya ang pansin si Aria. Sina Charlie at Julian sinasabihan ako na akitin ko daw si Cass, para malaman ko kung meron siyang pag tingin sa akin. Natawa nlng ako sa sinabi nila, last time kase nahuli ko si Cass na nakatingin sa katawan ko. Hindi ko naman intension na akitin siya nun at nabigla rin ako na nandun siya.

Hindi ko rin alam kay Cass kung may feelings siya sa akin eh, or parehas lng kame na tinatago lng. Nakita ko na naman si Cass sa may Terrace. Kelangan ko na siyang makausap

"Huy Cass, mukhang ang lalim ng iniisip naten ah" sabe ko sa kanya. Nakita ko siya na parang nagulat pero ngumiti siya kagad sa akin.

"Oh .. eeh kuya nandyan ka pala. Wala may something lng ako na iniisip" sabe nya.

I sighed. Kahit naman na hindi nya sabihin na wala halata naman sa kilos nya eh. I sat beside her.

"You can tell Kuya kung ano yung iniisip mo"sabe ko.

I just want to show to her that I'm here for her and for Caleb. Pede nila akong pag sabihan ng problema nila

"Naisip ko lng, bakit kaya yung sino pa yung taong may mahal sayo ay yun pa yung hindi mo mahal. Tapos yung mahal mo naman hindi mo naman alam kung mahal ka rin din nya" sabe nya

Nagulat ako sa sinabi nya. Tungkol pala sa pag ibig yung problema nya. May mahal na si Cass? Nahuli na ba ako? No, kelangan kong malaman

"Bakit Cass, ganyan ba yung nangyayari sayo?" tanong ko

She sighed

"Medyo, pero yun nga lng nalulungkot ako sa taong may mahal sa akin kase alam naman nya na may gusto ako sa iba" sabe nya

I was caught off guard. Parang tinukso yung dibdib ko sa narinig ko sa kanya. So may mahal na pala siya

"So, meron ka na palang nagugustuhan" sabe ko nlng

"Hmmm.. oo kaso piling ko hindi nya rin ata ako gusto" sabe nya

Napakunot ako ng ulo. That mother fucker, ako nga na gustong gusto ko si Cass tapos malalaman ko nalng na may gusto na siya sa iba tapos yung gusto nya,hindi naman siya gusto. Fucking bastard pag nalaman ko lng, bubugbugin ko yun.

"Bakit naman?" tanong ko

"Masyadong komplikado at tsaka hindi ko rin talaga alam kung gusto nya ko. Pero alam ko sa sarili ko na gustong gusto ko siya" sabe nya

Lucky bastard, kung sino ka man ang swerte mo

"Bakit naman naging komplikado?" tanong ko.

I just want to know more, kase parang parehas lng kame ng situation, complicated.

"Basta, maraming pedeng mangyari at ayoko namang magbago yung tingin ng iba tao sa kanya lalo na yung malalapit na tao sa buhay ko" sabe nya

Hindi ko alam pero parang sobrang lapit ng problema naming dalawa.

"Parehas pala tayo kung ganun" sabe ko nlng. Napatingin kagad siya sa akin. Tumingin ako sa harap ako.

"Matagal ko ng naamin sa sarili ko na mahal ko siya pero alam mo yung, kelangang isipin muna ang pedeng mangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Matagal ko ng naamin sa sarili ko na mahal ko siya pero alam mo yung, kelangang isipin muna ang pedeng mangyari. I know that love will find a way pero mahirap lng talaga" sabe ko nlng.

Nakakatuwa nga lang isipin noh, kung sino pa yung taong mahal mo eh nasa tabi mo lng tapos hindi mo magawang yakap yakapin siya, halikan or sabihin sa kanya na mahal mo siya kase hindi pa ako nakakahanap ng timing. Hindi naman kase sa lahat ng oras ay kelangan mong sabihin. Pinag iisipan kase yun, kaya maraming tao ang napasok sa maling relasyon or hindi kaya nasasaktan dahil hindi nila gaanong pinag iisipan. Dahil una hindi ko alam kung parehas ba kame ng nararamdaman at pangalawa yung pamilya. Ayokong magalit sina mama at papa sa akin kapag nalaman nila yung pinag gagagawa ko.

"Sana nga dumating yung araw na mahalin din ako ng taong mahal ko. " sabe nya

Napatingin ko sa kanya. Darating din yung Cass, pero hindi ko lng alam kung mahal mo rin ba ako, or baka tingin mo lng sa akin ay nakakatatandang kapatid mo. Makukuya-zoned ako nito kung sakali.

"Maghintay ka lang Cass, for sure mapaparamdam din ng taong mahal mo kung gaano ka lng nya kamahal. Basta maging observant ka lng at makiramdaman . Pasok na ako sa loob ah" sabe ko

Malapit na yung dumating, at sana kung dumating man yung araw na yun sana naaayon sa plano ko at sana mahalin mo rin ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malapit na yung dumating, at sana kung dumating man yung araw na yun sana naaayon sa plano ko at sana mahalin mo rin ako. 

P.S. I Love You Kuya #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon