BEAUMONT POV
Naalala ko nung mga bata pa kame nina Cass at Caleb, madalas kameng pumunta sa may park malapit sa amin. Hindi naman siya kalayuan sa amin. Dito kame madalas maglaro, kase ang ganda rin kase ng park na ito, malawak at may mga palaruan like seesaw, duyan, mga crowbars at iba pa. Kokonti lng yung natambay dito kase exclusive kase to.
Hindi muna ako umuwi sa amin pagkatapos nung tagpo namen ni Dad. Piling ko nung nakita ko ang totoo kong Dad, parang mawawala ako kina Cass eh, though hindi ko hahayaan na mangyari yun, pero alam mo yung piling na unti unting nabubuo ang ilan sa pagkatao mo.
Pumikit ako at naalala ko ang mga kaganapan nung mga bata pa kame
"Mata mataya tayo" sabe ni Cass, seven years old palang sila.
"EH! Ang pangit nun, korni. Agawan bola nlng cool pa" singit ni Caleb
Napasimangot si Cass
"Eh ang daya nyo naman dun eh lagi akong talo dun, wag yan iba naman. Bente uno nlng oh" sabe ni Cass
"Korni din nun kung konti tayo" cool na sabe ni Caleb
"Lahat naman sayo korni eh kaya mukha ka naring corn" inis na sabe ni Cass
Natawa nlng ako sa kanila.
"Hindi kaya ang pogi ko nga eh daming nagkakacrush sa akin di ba Kuya?" sabe ni Caleb
"Oo naman pogi at maganda kaya kayo" sabe ko.
Natuwa naman sila sa sinabi ko. Nag iisip paren sila ng laro.
"Tumbang preso nalang oh" sabe ko
"Oo un nalang" pag sang ayon ni Caleb
"ANo ba yung?" takang tanong ni Cass. Inaasar naman siya ulit ni Caleb
"Puro kase Barbie eh kaya hindi mo alam yun"
"Hindi kaya ako nag babarbie kadiri nun eh" sabe ni Cass
"Ok wag na kayong mag away, laruin nlng naten yun" sabe ko.
Napangiti nlng ako sa naalala ko. Yung mga panahon na yun, hindi pa ganito kahirapa ang nararamdaman ko. Bakit ganun, hindi ko na mapigilan? Natatakot ako sa pedeng mangyari kaya kahit gustong mag take risk natatakot ako.
Napabuntong hininga nlng ako.
"Beau?" boses babae na tinig
Napalingon ako, si Aria.
"Kaw nga, ngayon lng kita nakita dito ah" tumabi siya sa akin.
"Ah..eh.. bibihira naren kase akong pumunta rito, ikaw, bakit pumunta ka rito, hindi ba kayo magkikit ni Theo?" tanong ko
"Nako, nainis ako sa kanya kase ang kulit kulit tsaka ang bastos na makulit ung halimaw na yun" sabe nya
Natawa nlng ako. So makulit na ganun pala si Theo ,tsk tsk tindi talaga ng lalaking yun, pero may pang aasar na ako sa kanya.
"Ganyan talaga yun, pag bigyan mo na. Ngayon ko lng nakitang ganyang kasaya si pareng Theo eh" sabe ko.
Napangiti naman siya
Napatingin ako sa harap ko. Halos mas matindi pa nga yung naranasan ni Theo sa akin pero kinaya nya , ako, puro ako reklamo.Napabuntong hininga ako
"May problema ba kaya ka nag punta rito?" tanong nya
"Paano mo naman nasabe na may problema ako?" sabe ko naman
Tumingin siya sa harapan nya
"Ganun kase ako pag may problema or kung gusto kong mapag isa dati. " sabe nya
Tinignan ko si Aria. Maganda siya , at head over heels ang tropa ko sa kanya.
"I think love problems yan noh?" nakangiting sabe nya
Napangiti nlng ako. Makulit din tong isang to eh, bgay na bagay sila ni Theo.
"Slight, mahirap lng yung sitwasyon ko basta, it's hard to explain" sabe ko. I heaved a sigh
"Mahirap lng ang isang bagay kung alam mong walang kasiguraduhan. Kaya may salitang mahirap kase hindi mo alam sa sarili mo kung ano talaga yung problema. Marahil mahirap kase baka hindi ka sure sa nararamdaman mo, or hindi kaya mali talaga or hindi kaya may ibang taong madadamay or hindi kaya wala kang lakas ng loob na harapin.Walang mahirap kung alam mo sa sarili mo na tama yung nararamdaman mo, hindi ka naman ipapahamak ng instinct mo eh." Sabe nya
May point siya, nahihirapan ako dahil wala akong lakas ng loob. Hay buhay ang dami kaseng risk nun eh.
"Basta itong tatandaan mo walang mali sa pag ibig kung alam mo na sa sarili mo na pag mamahal yang nararamdaman mo. Iba kase ung pagmamalakasakit sa pagmamahal at lalo na yung pagkagusto sa pagmamahal. " sabe nya
Napangiti ako, tama siya. Hindi ito basta pagkagusto lng, ang lakas ng tibok ng puso ko eh.
"Alam mo bagay na bagay talaga kayo ni Theo, makata kayo kung mag advice haha" sabe nya
"Naman noh, tsaka kahit ganun yun mahal ko yung halimaw na yun " sabe nya
Kung anong kinapangit ng nakaraan ni Theo ganun kaganda naman ang nangyayari sa present nya. I'm happy for Theo.
"Nako pag nakita tayo ni Theo, mag seselos yung sa akin." Sabe ko
"At speaking of selos , tumatawag ang mahal ko hehe. Oo seloso yung kahit nga kapatid nun pinag seselosan,"sabe nya
Natawa nlng ako. Ayaw nya lng kaseng mawala ang taong mahalaga sa kanya, ganun din ako lalo na ang family ko at si Cass.
"Hello Maw, kasama ko si Beau. Nako wag kang maselos ah, mahal naman kita eh...." rinig ko na usapan nila
Sabe na, nako talagang lalaking yun, alam naman nya na may gusto ako kay Cass nagseselos pa sa akin.
"O panu Beau, mauna na ako itong si maw, naiinis na hehe, basta follow your heart ok" sabe nya
"Sige salamat at ingat ka" sabe ko.
Gumaan gaan ang pakiramdaman ko. Salamat kay Aria at naliwanagan ako sa mga nararamdaman ko. Sana matanggap mo ko Cass.
BINABASA MO ANG
P.S. I Love You Kuya #Wattys2016
Fiction généraleNot a Typical Brother-Sister Relationship. A girl has a secret feelings with her older adopted brother. A guy with a family oriented rule in life, but have this strange feelings to his younger sister. How can love be with them? How can love can co...