Cassidy POV
Ang bilis nang panahon at General Assembly na namen. Nakakaexcite kase first time namen to na makakasama sa General Assembly ng kapwa ko mga EE students.
I'd prepared my things already, mga damit na gagamitin ko sa Miss EE. Actually hindi naman talaga ung bonggang pageant ung tipong may Gown. Ung mga casual attire lng naman. Sabe sa orientation namen jujudge daw kame sa pagdala ng damit at sa dami ng support ng crowds, kaya tatlong beses kameng magpapalit in any style we want.
Idol ko si Cara Delevigne pero may pag ka-singkit kase tong mata ko kaya hindi ako magmumukhang Cara pero ok narin.
Si Caleb naman wala naman siyang problema sa susuotin nya. Naready na siya kahapon pa tsaka sa kakantahin at sasayawin namen nila Kuya Beau.
Speaking of Kuya Beau parang naging lumayo si Kuya, hindi ko alam kung busy ba siya or parang iniiwasan nya ako. Pero parang nasasaktan ako, hindi ko kase maexplain pero nasasaktan talga ako. Maaga siyang umalis kase mag-aayos pa silang mga officers dun sa venue na General Assembly namen.
Close venue kame kaya mukhang magiging masaya to. Ung theme ng susuotin namen ay anything na mukhang maangas with a shades of black. Mas angat dapat ang Black na kulay.
" Oh anak hindi pa ba kayo nag preprepare ng kapatid nyo, mag 9:30 na" sabe ni Papa.
" ala Una naman po ang party eh, tsaka nakapagprepare na po kame kagabi" sabe ko.
" Good, pero dapat mga 10:30 nakaalis na kayo kase ang traffik pag tanghali" sabe ni Papa.
" SIge po, after po nito maliligo na po ako. Si Caleb po ata natutulog pa eh" sabe ko.
"Kanina pa ung gising anak, nauna nang kumain sayo. " Sabe ni Papa.
"Ah ganun po ba pa" sabe ko sabay buntong hininga.
" Nak may problema ba?" tanong ni Papa.
" Naku Pa! Wala po, bakit naman po ako magkakaprolema?" sabe ko kay Papa.
"Wala, nakikita ko kase sa mata mo eh, parang ang lungkot mo. Care to tell Anak?" sabe ni Papa.
Hindi ko pedeng sabihin na parang umiiwas si Kuya Beau sa akin baka ano pang gawin ni Papa kay Kuya.
"Ah .. wala pa masakit lng ung ulo ko tsaka medyo inaantok pa" sabe ko.
"Ganun ba talaga? Bakit parang late ka nang natutulog anak? Ano ba iniisip mo?" tanong ni Papa
Si papa talga ang daming tanong, Dinaig pa imbestigador. Nag isip ako ng Alibi.
"Ay wala lng pa Lately medyo nagiging late lng ung tulog ko, medyo hindi kase ako makatulog ng maaga" sabe ko nlng.
" AH ganun ba? Baka problemang pag-ibig yan anak?" sabe ni Papa na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
" Ay Pa hindi! Bakit nyo po naman nasabi?" sabe ko.
Hindi ko rin alam kung makakaclassify tong issues ko as love problems.
"Naisip ko lng, tsaka don't worry anak hindi naman ako galit kahit may crush ka or anything ang akin lng basta sabihin mo sa akin or sa kuya. Ung anak ko dalaga na dati karga karga ko pa" sabe ni Papa.
Napangiti nlng ako kay Papa sabay yakap sa kanya.
" Naku Pa, wala naman po talga eh, tsaka kung meron naman po sasabihin rin po kagad ni Caleb sa inyo. Tsaka Pa, love nyo talga ako eh hehe" sabe ko.
Napayakap din sa akin si Papa.
"Naman anak, kayo ang buhay namen ng mama nyo. Kayo ng kuya Beau nyo. Binigyan nyo kame ng kulay ang mundo namen, at maswerte kame dahil biniyayaan kame ng mga mababait at mga responsableng anak" sabe ni Papa.
"Naku naman Pa, pinapaiyak nyo ko eh" sabe ko kay Papa.
Napatawa nlng si Papa.
" Ang baby girl ko ang iyakin talga hehe, basta anak mahal ko kayo, kaya walang dahilan para maglihim ng kahit anong problema sa amin ng mama nyo basta nandito kame Ok?" sabe ni papa
Napatango nlng ako.
" Aw ang sweet naman ng mag aama ko" sabe ni Mama.
"Ang Baby girl kase naten nanglalambing" sabe ni Papa
Lumapit si Mama ay niyakap din kame. Hindi naman ako naiilang kahit yakap yakapin ako nila papa at mama. Ganun din sina Kuya Beau at Caleb, pero ung sa kanila bro hug kay Papa. Mahal na mahal namen sila eh.
Paano ko kaya masasabi kina mama at Papa about sa feelings ko kay Kuya Beau. Hindi ko kase alam kung tama ba na sabihin ko sa kanila. Baka kase masaktan sila or hindi kaya magalit , ayokong umabot sa punto na ganun.
Bayan kase kuya Beau, ano bang ginawa mo sakin bakit ako nagkakaganito.???
Bahala na!
BINABASA MO ANG
P.S. I Love You Kuya #Wattys2016
General FictionNot a Typical Brother-Sister Relationship. A girl has a secret feelings with her older adopted brother. A guy with a family oriented rule in life, but have this strange feelings to his younger sister. How can love be with them? How can love can co...