V-Lucy

15.4K 267 46
                                    

Lucy

Nakauwi't nakapaghilamos na ako't lahat lahat at naayos ko na rin ang mga gamit ko para sa next shoot, pero nakakainis lang kasi hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina.

A stranger kissed me inside an elevator, he kissed me on my lips, my lips na pinagkaingat-ingatan ko ng matagal na panahon, ng thirty two years and in an instant I lost it!

That kiss, that kiss was my first na napunta lang sa isang lalaking hindi ko kilala! Why did I allow that to happen?

Bahagya kong sinabunutan ang buhok ko. Okay na sana na yung first love kong si Brian eh may mahal ng iba at hindi siya ang first kiss ko, pero ang sakit lang na hinayaan kong mapunta ang first ko sa isang stranger! Di sana noong may chance pa ko, nagnakaw na ako ng halik kay Brian para sulit ang first kiss ko!

Si Brian.

Naalala ko na naman tuloy siya! Matagal na ring panahon nang umamin siya ng nararamdaman niya hindi para sa akin kung di para sa matalik kong kaibigan na si Maggie.

Saksi ako sa pagtatapat na ginawa niya noon sa Zambales. Akala ko nga sila ang ending eh pero hindi rin pala.

I remember, before he confessed to Maggie, eh nagkausap muna kami. Nasaktan ako nang sinabi niyang we can only just be friends dahil ang totoong mahal niya ay si Maggie. Well, hindi ko na pinagpilitan pa ang sarili ko dahil alam ko rin namang may nararamdaman si best para sa kanya noon.

***

"Lucy, I know you've been very caring and sweet at alam kong in a way, may nararamdaman ka para sa akin."

"Ahmmm.."----Ganoon na pala ako ka obvious sa nararamdaman ko for him?

"Ayoko kitang saktan at ayokong magsinungaling sa sarili ko. Patawarin mo ko Lucy pero may mahal na ako, noon pa man, high school pa lang tayo, si Maggie na ang laman ng puso ko kaya sana wag kang magalit sa kanya."

"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag," pagputol ko sa sinasabi nya----

"Gusto mong ligawan si best para official na kayo, naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo sa kaibigan ko. Wala na kong magagawa dun."

"Lucy."

Pinilit kong pigilan ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Pinilit kong ngumiti kay Brian.

"Wag kang mag-alala, no hard feelings. Salamat kasi sinabi mo sa akin to, at least hindi na ako magugulat o kaya sa iba ko pa malalaman at isa pa, kaibigan ko si Maggie, kilala ko sya, alam kong mamahalin ka din nya dahil hindi ka mahirap mahalin Brian."

"Salamat sa pag-intindi mo Lucy. Pangako, hindi ko sasaktan si Maggie."

"Siguraduhin mo lang. Kasi pagsinaktan mo siya, ako ang makakalaban mo my loves."

"My loves?"

Nagulat si Brian sa sinabi ko at aaminin ko, sa tuwing tumataas ang kilay niya, mas lalo siyang gumagwapo. Sana lang talaga, kayanin kong hindi na siya mahalin.

"Ikaw lang kasi talaga ang my loves ko noon pa, kaya pagbigyan mo na ko kahit ngayong araw lang. Let me just call you my loves please."

"Ah, okay. Sige. Bahala ka. Basta tulungan mo ko kay Maggie ha."

Nginitian niya ko kasabay ng pagtalikod ko sa kanya. Tumalikod na ko agad para hindi nya makita ang pagtulo ng luha ko. I went straight to the kitchen and help out in preparing food for Maggie's grandma. Kailangan kong gumawa ng ibang bagay para makalimot sa sakit ng puso ko.

***

I was 19 then when that incident happened pero yung sakit bumabalik balik pa rin kahit na ngayong 32 na ako.

Sa totoo lang hindi naging madali para sa akin na tanggapin ang katotohanang hind ako mahal ng mahal ko.

Hindi ko rin maiwasang tanungin ang sarili kong "bakit hindi na lang ako? Bakit siya pa? Bakit kaibigan ko pa?"

Pero ganoon talaga eh. Kailangan kong tanggapin na hanggang dun lang ang kwento namin ni Brian.

Timing nga din na after getting broken hearted eh there was a chance for me to attend a photography and animation seminar sa Baguio. God has given me the chance to move on and accept the fact na hindi talaga kami pwede.

Ang akala ko nga noong una, sila na ni Maggie ang ending pero may iba palang plano ang Diyos para sa kanilang dalawa. Maggie is now happily married to her Korean boss na si David Kang samantalang si Brian naman eh masaya na rin sa Japanese girl na pinakasalan niya.

Both of my first love and my bestfriend are happy now. Naka pag move on na rin ako sa tagal ng panahon, pero hindi ko maiwasang mainggit minsan.

Masaya naman ang single life pero may pagkakataong kapag mag-isa lang ako lalo na sa studio ko, na naiisip kong sana may isang tao ring nakalaan para sa akin. Yung i-aapreciate ang kulay ng damit na suot ko, sasabihing ang ganda ng bagong style ng hair ko o kaya tatanggalin ang dumi sa mata ko.

Sana one of these days, may tao ring mamahalin ako ng totoo at hindi ako iiwan. Yung mamahalin ko din at hindi rin iiwan. I mean, wala na sa calendar ang edad ko. Pero at least, nasa Bingo pa naman. Siguro may chance pa rin di ba?

(Sigh)

Masyado na naman akong napapaisip, at napunta na naman kay Brian.

Don't get me wrong, nakapag move on na talaga ko kay Brian, it's just that naalala ko lang ang mga memories naming tatlo nila Maggie.

Magkakaibigan na kami back in high school, noon palang talaga si Brian na ang minahal ko. At wala ng sumunod pa dahil nagpaka abala ako pagka graduate ko ng college.

I guess, I just need rest. Sleep. Oo. Matutulog na lang ako. Yun na nga lang siguro ang gagawin ko..

I was about to go to my bed when I heard my landline ringing.

Nagulat akong nag ring ang phone sa bahay. Kasi most of the time, people contact me through my cellphone.

Teka, wait, ung cellphone ko!

Nakuuu oo nga pala!

Nandun sa lalaking magnanakaw ng halik! Hindi ko na nga pala nabawi pa ang phone ko!

Who could this be calling me?

I'll have to answer this first bago pa masira ang isip ko sa kakaisip ng paraan para mahanap yung lalaking kumuha ng first kiss, este ng cellphone ko na bagong bili lang dahil sa nasira nga yung una! Bad trip talaga yung lalaking yun.

"Hello?"


-------------------

A/N

Sino kaya ang tumatawag? Pinapakamusta pala kayo ni MsInvisiblyAnonymous. Taos puso siyang nagpapasalamat, well ako rin, sa inyong suporta. Cheers!

This story will be published as an e-book soon. Message me for details. Thanks po.

***

Here's for our reflection today. 


I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon