25 Lucy part 2

5.4K 153 63
                                    

I don't exactly know what he means when he said na mag ayos na daw ako. Hindi ko nga alam kung saan ba kami  pupunta, malapit na ring gumabi. Saan ba nya ko dadalhin? Saan ba yung lugar na sinasabi nyang used to be his life? I have no idea at all.


I checked my reflection on the mirror for the nth time. Appropriate na ba tong suot ko sa pupuntahan namin? What should i wear in the first place? I am just wearing a simple white blouse and loose purple pants and  I didn't bother to re touch because I really have no idea kung saan ba kami pupunta.

Gusto kong mainis sa knya pero hindi iyon tama. Kailangan ko ng mahabang pasensya ngayon, kailangan ko munang intindihin kung ano man tong pinagdadaanan nya bago ako magsalita ng kung anu ano.


Lumabas na ko ng bathroom at nakita ko sya sa couch nya. Naghihintay na pala sya sa kin.


"Shall we go?" Tanong ko sa knya.


"Yeah let's go." Malamig nyang sagot sa akin. Tumayo kaagad siya at pinatay ang TV. At ako naman, parang puppy na sumunod lang sa kanya. Ambilis niyang maglakad na para bang wala siyang kasama. Maiinis na dapat ako talaga sa kanya pero alam kong mabigat ang dinadala niya. Nakayuko lang siya at tahimik until we got in the car. He still opened the car's door for me pero nakayuko pa rin siya. Hindi ko tuloy mabasa ang mga mata niya. Oh God, I don't wanna see him like this anymore.




...

William parked his car at a five star club here in Ortigas. I've seen some bars sa mga magazine shows sa TV but this is the first time that I'd be inside one.

Mukha siyang kilala ng mga guard at bouncers kasi sumaludo pa ang mga ito sa kanya at may nagsabi pang 'long time no see sir.' Hindi na rin kami kinapkapan at tuluyan lang kaming nakapasok sa loob.

Madalim. Halos wala akong makita, hindi ko makita kung sino tong mga nakakasalubong namin, mga nagsasayawan sa gitna ng dance floor at mga nag-iinuman.


Malikot na ilaw. Yan lamang ang nagsisilbing liwanag na nakikita ko. Nakakahilo pa dahil napakalikot nito. Ang ilaw pa nito ay nagiiba iba. Ang sakit sa mata.


Maingay. Napaka ingay dito. Napaka lakas ng sound system sa lugar na to. Sabayan pa ng mga hiyawan ng mga nagsasayawan. Ito ba ang tinatawag nilang night life?

On the other side, mag mga nagtipon, sa gitna may isang babaeng nakahiga na nakataas ang damit nyang pang-itas. Kita ang kanyang pusod. Nakita kong nilagay ng isang lalaki ang drinks sa pusod ng babae, hinigop nya iyon gamit ang kanyang bibig. Nagsigawan naman ang mga tao. Nagpalakpakan at nagcheer sila. Pinalitan siya ng isa pang babae at ganun ulit ang ginawa nila.


Habang nagmamasid pa ko, napansin ko pa ang isang babae at lalaki sa tabi ng powder room na naghahalikan na parang wala ng bukas at sa isa pang corner eh may guy na naka pants na lang at may nakakalong na babae sa kanya.


Okay. Lucy, breathe. Kalma.


I am definitely not used to this kind of environment but that doesn't mean that I am not aware of it.

May iba't ibang paraan how we can relax, find happiness and enjoy and  we all have a choice. For sure naman alam ng mga tao dito ang kanilang ginagawa And I don't want to judge them. Never. Nasa sakanila kung hanggang saan nila isset ang kanilang limitations. At the back of my mind though, I pray na may iba pa silang outlet sana na makita where they will enjoy without making out in the public or allowing people to make 'fun' of their own body.

"Lucy?" Tawag sa akin ni William. Tinignan ko sya sa knyang mga mata, ang mga mata nyang gstong magpaliwanag. Mga matang natatakot, naiiyak, nagmamakaawa.


"This used to be my life Lucy. Every night I would ran to places like this with my friends. At kapag nakakita ako ng hot na babae at naramdaman kong gusto niya rin ako I... I... do it with them, wala akong pakielam. Minsan sa loob ng restroom kapag pareho kaming mainit na mainit, minsan sa loob ng kotse ko, o kaya sa private rooms ng clubs... Lagi akong may dalang condom. Kapag kulang pa, I would run from one club to another."




Naramdaman kong pumatak na ang luha ko sa mga sinasabi niya. I had a feeling that William could be the player type ng guy but... This is just a surprise. Ang dami ko ng gustong itanong sa kanya but I'm choosing to still accept him.

"I found comfort in this place. Nakakalimutan ko mga problema ko. Kapag nagagawa ko ang mga bagay na yun pakiramdam ko malaya ako. I can do everything." Unti-unti na ring pumatak ang luha ni William at kapwa na kami umiiyak. Parehong huminto ang mundo namin at kahit na maingay, dinig namin pareho ang mga impit na hikbi ng bawat isa.

"I grew up with my actions all restricted. Bawal ganito, bawal ganyan that I tried to find a way out and that way out is this lifestyle." Hinawakan ni William ang mga pisngi  ko habang patuloy pa rin siyang umiiyak.

"I underwent a psychological therapy noon kasi naisip ko kahit na masarap ang magkama ng iba't ibang babae, I have to put my acts together. I am not getting any younger."

"William."

"Tapos I met you sa grocery store. I was sexually attracted to you. You are one of a kind. Wala ako sa club, Wala ako sa party, pero ginising mo ang lahat sa katawan ko." Pumiyok ang boses ni William when he said sexually attracted, yung tonong humihingi ng sorry.

"But that sexual attraction has developed into love... And that love helped me find my way back to God."

"Ayokong mawala ka sa akin pero I would understand if you would run away from me and you'd choose to forget me. I won't regret meeting you kasi God has used you as an instrument so that I'd change. Pero sana, maniwala kang Hindi Lang lust ang nararamdaman ko sa yo, mahal na mahal kita Lucy, mahal na mahal."

Lalong umiyak si William at hindi ko alam kung anong gagawin ko para tulungan siya. At kahit na ano pang naging past niya, alam ko sa sarili kong mahal ko na si William. At kapag mahal mo ang isang Tao, tatanggapin mo siya ng buo. Lahat naman tayo gumagawa ng maling desisyon sa buhay natin pero bukas palad pa rin tayong tinatanggap ng Diyos.

Pinilit kong pasayahin ang boses ko at huminga ng malalim. Humingi rin ako ng konting Lakas ng loob kay God bago ako nag- acting na parang disappointed.

"I can't believe you William. Anong palagay mo sa pagmamahal ko sa yo? Kasinlawak lang ng kiddie pool para iwan ka na lang?"

"Lucy?" Napakamot sa ulo si William at parang naguguluhan sa mga sinasabi ko.

"Alam mo yung Pacific Ocean? My love for you is deeper than that." Pinipilit kong pigilan ang pagtawa ko Kasi parang bata si William na kinusot ang mga mata at Medyo naiwang bukas ang bibig.

"Kung may langaw dito sa club baka pasukan ka na?"

"Huh? Ulitin mo nga ang sinabi mo love."

"Yung langaw?"

"Hindi... Yung Pacific Ocean."

"Pacific ocean."

"Hindi yun. Yung Ano.. Yung.."

"What? William?"

Hindi na nagsalita pa si William at niyakap ako ng mahigpit.

"If your love for me is deeper that then Pacific Ocean, my love for you is higher than the Mt. Everest and wider than the Milky Way. I love you ng sobra sobra love."

Pareho kaming Natawa ni William and we found ourselves leaving the club, with our hands clasped together.

And the moment we stepped out of the club, William pinched both of my cheeks, looked up at the sky... At sumigaw ng ubod lakas.

"Thanks Lord sa answered prayer!"

And right then and there, I know I won't regret saying I love you too.

Muli niya kong niyakap at sabay bumulong ng "I'll try everything that I can to not ruin what we have. Thank you for choosing to stay. Thank you love for loving me just the way I am."

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon