XVI-Lucy

8.9K 167 52
                                    

I was so down kanina sa class dahil sa isang problema that I needed to attend to, mabuti na lang naging okay na rin ako. Thanks to Shane sa mga corny jokes nya na nakakatawa nalang dahil sa way ng pagdelivernya sa jokes. Ano raw ang tawag sa isdang confused sa identity niya? Eh di 'catfish' tapos ano raw yung isdang pwedeng maging pulis, di ano
raw 'BANGus'. It pays to have good friends din talaga apart from Maggie.

Akala ko magiging okay na ang lahat pero ang hindi ko inasahan ay ang makita ko si William sa University.

Although he looked gorgeous with his rugged look na parang walang ayos-ayos sa sarili, I was disappointed to see him dahil napagusapan na namin na hindi nya ko susunduin pero mas lalo akong nadismaya nang malaman kong nag enrol siya sa klase ko. Hindi man lang niya naisip ang magiging impact ng actions niya sa career ko! Imagine?

Inayos ko na ang gamit ko para makauwi na dahil na nakakastress lang. Bakit si Maggie, when she started dating David, she was all happy and blooming. Pero bakit ako? I am having a hard time. Sana talaga I didn't enter into this kind of relationship. Haaay... Kakain na nga lang ako at lalabas na dito sa faculty room. At least, food will make me better.

Bakit ba kasi hindi naisip ni William na bawal magkaroon ng relasyon ang teacher at student? Yan ang policy sa kahit saan mang University.

Pano na kami???

Wait, wala pa namang kami ah! Ano ba to?

"Lucy, ahmmm, I mean, Ma'am, I'm sorry. Mabuti lumabas ka na, kanina pa ko mukhang sira dito. Pansinin mo naman ako oh."

Nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ni William, nandito pa rinpala sya. Hinintay nya talaga ko??? Nakita ko siyang pawisan na dahil siguro mainit sa labas ng faculty room. I had this urge to wipe his sweat pero di ko naman magawa. My hands are all tied up.

"William, hindi ba sinabi ko na sayo, this won't work. Masyado tayong nagmadali sa desisyon natin. Hnd ka ba nagtaka na ang bilis nang pangyayari satin?"

Lumapit ako sa kanya at pabulong akong nagsalita...

"We dont even know each other and yet, YOU kissed me."

"Lucy naman, pls dont say that. We both feel something special for each other, your kiss is not just any other kiss from a stranger. Your kiss is... telling me that its worth trying out. Pls naman lucy, let's talk. pagalitan mo ko, sigawan mo ko, pero wag mo kong iwan sa ere."

"Something special, really? What if nagkamali lang tayo, what if I'm just like the other girls out there na naka- date mo. Please, wag ako William. Tigilan nalang natin to. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari."

"Ikaw na ang may sabi, what if. what if... God gave me you to show me that we are meant to be? What if you are meant to be my queen, and I am your king? we wont know if we wont try. "

Nagulat naman ako sa queen at king na pinagsasabi niya, nakakaloka talaga tong lalaking to. I didn't know that he can be a poet like this. Muntik na kong kiligin este matawa.

Tinignan ko sya at nakita ko sa kanyang mga mata na gustong- gusto nya kong makausap. Huminga muna akong malalim...

"Okay. Let's talk, marami tayong dapat pagusapan. Follow me."

Pabulong kong sabi. I still need to be discreet kasi paano na lang kung may makarinig sa aming students o kaya kapwa faculty member ko.

"Really? teka, my place or your place?"

Kumunot ang noo ko sa tanong nya, what the???

"I mean, your favorite resto or mine? Wala na akong ibang ibig sabihin dun."

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon