22: Lucy

5.7K 138 84
                                    

"Okay, here it is, my own version of fruit shake." William said as he handed me the glass of fruit shake that he made. He was all smiling, feeling proud sa ginawa niya.

Umupo sya tabi ko at tinikman ko naman ang gawa nya. Malasa naman at tama lang ang tamis. Honestly masarap. Katulad nya, masarap.

Masarap titigan.


"Pano mo ginawa to?" Tanong ko sa knya. Hnd nya kasi ko hinayaan na panuorin ko sya, pinaupo nya ko dto sa sala ng unit nila at manuod nalang daw ako ng tv, medyo boring nga kasi news program, pero okay na rin kasi matagal na kong hindi  nakakapanuod ng news. Wala tuloy akong alam na sa nangyayari sa Pilipinas. Anong klaseng mamayang Pilipino ako di ba? Living my own life. Chos!


"Secret."


"Wow ah, confidential ang recipe mo nito ganon?" Di ko napigilang mapangiti. Patented ba yung recipe niya? May intellectual property right lang ang drama.


"Well, kind of..."


"Arte mo." Pinisil ko ang ilong nya unconsciously, natawa sya sa ginawa ko. hinawakan naman nya ang kamay ko sabay halik dito as if i am a princess.

Grabe, ayan na naman ang puso ko. Ano ba kasing pumasok sa isipan ko that made me pinched his nose!


Lucy kalma. Kalma lang.


"Sa ibang balita, isinugod sa kalapit na ospital ang mahigit labing dalawang bata mula sa Joyful Cradle kabilang ang ilang mga madre sa nasabing ampunan.

Napatingin ako sa tv sa narinig kong report ng newscaster mula daw sa Joyful Cradle. Binitawan ko ang baso at kinuha ang remote ng tv at nilakasan ang volume.


"Base sa naturang report mula sa ospital ay food poisoning ang sanhi ng pagkaka ospital ng mga bata na nasa edad apat hanggang sampung taong gulang. Nakaramdam umano ang mga bata ng matinding pananakit ng tyan. Tinitignan pa ng mga autoridad kung saang pagkain nila ito nakuha dahil nanggaling daw umano sa isang party na inorgnisa ng isang NGO"


"Oh my Gosh! This...this can't be happening!" Sabi ko at binitawan ko na din ang kamay nya at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Mother Superior to confirm na rin ang nangyari. Parang nawala bigla ang gana ko sa Shake. All I think now is Joyful Cradle and my family, sina sister at ang mga bata. Diyos ko!

Kawawa naman ang mga bata...


"Whats wrong? Are you familiar with the orphanage?" tanong nya sa akin.


"Yes, doon ako lumaki Will, at kilala ko ang mga batang iyon." Kinakabahang sagot ko dahil hindi pa sumasagot si Mother Superior. Medyo nararamdaman ko na ring nababasa na ang paligid ng mga mata ko.


"Walang sumasagot, I have to go, I need to be there." Tumayo na ko at kinuha na ang bag ko. Wala na ako sa isip kong humakbang palayo kay Will.


"Wait, samahan na kita, I'll just go get the keys, wait for me."Hinila ni Will ang kamay ko. Pinatay na rin niya ang TV at kinuha ang susi ng kotse nya at sweater.

"It's cold outside. Wear this."


Pinatong ni Will ang sweater niya sa likod ko at nagmadali na kaming bumaba ng condo at nagpunta sa ospital. Isa lang naman ang malapit na ospital dun at tinuro ko na sa knya kung paano mag punta don.


...




Pagkadating namin ay tinanong ko agad ang mga nurse kung nasaan ang mga bata na nabanggit sa news. Kaagad din nyang tinuro sa akin kung saang parte sila ng ospital. Ang lakas ng kaba ng puso ko. Hindi ko alam kung magiging handa ba ko kapag nakita ko na sila.

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon