27: Lucy (part 1)

5.6K 168 135
                                    



"Love, you want after Aaron, tayo naman ikasal?"

Tanong sa akin ni William habang inaayos ko ang neck tie nya, nandito kami ngayon sa condo nya, nag aayos para sa pupuntahan namin wedding.


"Bakit ba excited ka nang maikasal tayo? Gusto mo lang yatang maka- score eh." Pabirong sabi ko sa kanya.


"Well, I'll be honest love. That's one of the reasons yeah I've been wanting to feel every inch of you, but more than that I don't want some random guys to keep staring at you. Sa tuwing magkasama tayo, napapalingon sila sayo eh. Kahit hawak ko na ng mahigpit ang kamay mo, kahit nakaakbay na ko. Nakatingin pa rin sila sayo. Wala ka pa rin kasing wedding ring na suot kaya pakiramdam ko tuloy umaasa sila na maghihiwalay pa tayo at nakaabang na sila na manligaw sayo, saka ano, syempre, mahal kita, kaya ayoko ng pakawalan ka pa."

Nagulat ako as to how transparent William can be. Siguro ganito talaga kapag lumaki sa ibang bansa, open to what he feels.

"Well, hindi lang naman ikaw ang nakakafeel nun no."

"I knew it love. You also want my body huh?"

"William, it's not that. What I mean is, the girls are drooling over you too. Nakikita mo ba kung gaano kiligin ang mga babae kapag nakikita ka nila, there's this one time na lumabas tayo, I went to the powder room tapos ung dalawang girls pinaguusapan ka nila. Ang gwapo mo daw ganito ganyan, sana daw mag break na tayo kasi mas bagay daw kayo, and I was like, what the heck! Kaya hindi ko rin binibitawan ang kamay mo kapag magkasama tayo nang malaman nila agad na akin ka lang." Sabi ko sabay pisil sa ilong nya.

Ang gwapo gwapo kasi talaga nya ngayon, he is so formal, wearing his black suit with matching navy blue polo inside. Ang ganda kasi talaga ng tindig ng boyfriend ko kaya kahit na sino eh mapapalingon talaga sa tuwing nakikita sya.

"Yun naman pala di pakasal na tayo."

"Kelan mo ba gusto?"

"Talaga?"

"Joke lang yun. I'm still enjoying us love. Hayaan mo namang ma-enjoy ko ang stage na to."


Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula ng maging official kaming dalawa. At ang saya saya ko sa tuwing magkasama kami. Kapag nagkakaroon kami ng free time, we take that chance para magkasama kami dahil pareho kaming busy sa mga trabaho namin.

Pinagiisipan ko na nga ang itigil na ang pagtuturo sa university kaya lang kasi, paano naman ang mga students ko. Ilang buwan na rin at matatapos na ang semester para sa kanila. Pagiisipan ko pa talaga ng mabuti ang tungkol dito.




"And were done, ayan ready kana. Ang gwapo mo talaga."

Sabi ko sa kanya, at napatingin kaming dalawa sa salamin, kinindatan naman nya ko.

"Aysus, gustong gusto mo naman, nagpapa cute ka pa dyan."


"Admit it love, kinikilig ka lang." Niyakap nya ko mula sa likuran ko at ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.


"I love you." Bulong nya sa akin.

Napaharap ako sa knya at nagkatitigan kami.

"I love you too."


Bumilis ang tibok ng puso ko nang ipinikit nya ang mga mata nya habang papalit ang mukha nya sa akin. Napapikit na rin ako, alam ko sa sarili ko na hahalikan na nya ko, at hindi ko na kailangan mailang pa sa knya. I know that he respects me a lot, he loves me and I trust him. Okay lang Naman siguro ang kiss sa lips Di ba?

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon