32: Lucy

5.4K 130 50
                                    

If you guys miss William and Lucy, can you leave at least 10 comments each? Hahahaha. Please.

****

Our trip to Australia is a roller coaster ride to the real meaning of it. Sino ba ang mag-aakalang ang isang masayang trip sana eh mauuwi sa isang madrama pero memorable experience for both of us? At aaminin ko, mas lalo kong minahal si Will nang makita ko siyang lumuhod sa harap ni Ariane noon at hinayaan lang niyang sampalin siya ng ilang beses ng babae. And it was a surprise that I just let it happen. Di ko pinigilan si Ariane.

Our hunch is right. Ariane has a big crush on Will noon pa and that crush turned into love. She has loved Will from a far gaya ng pagmamahal ko noon kay Brian. Pero nasasaktan siyang kahit na may pagkaplayboy noon si Will ay hindi siya binigyan ng pansin ng boyfriend ko kaya she planned on taking revenge and later on found out about our relationship.

Minsan mahirap din talaga kapag masyadong expose yung private life mo sa social media kasi nagagamit yun para siraan ka rin or pasakitan ka.

Noong una, ayaw niyang tanggapin ang paghingi ng tawad ni Will pero eventually lumambot din siya at nakakatuwa lang na bago kami maghiwa-hiwalay ay we prayed over her and she too asked forgiveness not only from us, but from the Lord. At times kasi, when we let our emotion rule over us, we tend to commit crazy things. Pero galing lang talaga ni Lord, napagbago niya kahit ang puso ni Ariane. Sasabihin ng iba imposible pero there is really nothing impossible with Him.

***

Pagkaalis namin kila Ariane ay nakatanggap kaagad ako ng tawag from the organizers, they informed me that I won second in the contest at kahit na di na ko nakaattend ng awarding, gusto sana nilang makapunta ako kahit sa exhibit na open sa public.

Aware sila na hindi ako nakapunta sa awarding dahil mas pinili kong manatili sa tabi ni William lalo na sa panahong ito.

Oo, mas pinili kong manatili sa piling nya. Mas pinili ko siya sa kabila ng lumabas na issue sa kanya. It was a rape case. It was a serious matter. Kung yung iba ang makaranas nito, ano rin kaya ang gagawin nila?
Anong gagawin nila kapag nalaman nila na may kaso ng rape ang boyfriend nila?

Will they stay?
Will they leave?

Anong mangingibabaw sa kanila?

Ang pagmamahal nila ngayon? O ang paniniwala sa issue ng nakaraan?

Nung una ko talagang narinig yun, hindi ako makaisip ng matino. Ang alam ko lang gawin ay ang umiyak. Yung tipong kulang na lang dugo ang iiyak ko. Ewan ko ba. Ang sakit lang din kasi. Pero i know deep inside na hindi yun totoo. Na hindi yun magagawa ni William.

At tama nga ako, he may be sexually active before but I know he wont force someone na gawin ang bagay na yun. When he kissed me back then sa elevator, there was something in him that pulled him away from kissing me. Nakita ko noon ang guilt sa mga mata niya. Na ayaw niyang gawin yun. At alam ko, he is one of a kind.

"Love? Punta tayo sa exhibit ah. I still have to accept my award though second place lang, I still won, right?"
Sabi ko habang nagdadrive sya.

"Second place? Are they blind? Okay we will go there and make a protest, there must be something wrong about the result. Dapat ikaw ang nanalo." Sagot nya sakin with a disappointed voice.

"How could you say that? We haven't seen the exhibit yet." Natatawa kong sabi sa kanya. Masyado ring bilib tong boyfriend ko sa akin eh. Kakaloka lang.

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon