VI-Lucy

14.9K 261 103
                                    

Love your enemies and pray for anyone who mistreats you.

-Matthew 5:44


Oo. Yun na nga lang ang gagawin ko sa lalaking magnanakaw ng halik. Di na ko magtatanim ng sama ng loob kahit na nakakabad trip na talaga siya. Patatawarin ko siya at kakalimutan ang lahat ng mga nangyari.

"Best"

"Best"

"Best!!!"

Nagulat ako sa malakas na sigaw ni best sa phone. Oo nga pala, sinagot ko ang landline ko pero yung isip ko, lumilipad pa rin. Nasa kawalan pa rin.

"Sorry."

"Grabe ka Beeest! Ano bang nangyayari sa yo? Pinag-aalala mo ko. Bakit ka ba tumawag kanina? Tapos bigla kang nawala sa kabilang linya. I was trying to call you again but your number was just ringing! Bakit di ka sumasagot?"

Paangil na sabi sakin ni Maggie na may halong pag-aalala. Oo nga pala, kausap ko siya kanina nang hablutin ng lalaki yung phone ko at hilahin ako papuntang elevator at halikan ako. Di ko napigilang hawakan ang mga labi ko habang naaalala ko yung first kiss ko.

Nakakainis. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa mga naiisip ko.

"Best?" Tawag ni Maggie sa akin.

"Uy! Lucy?! Hello! Nasaang planeta ka ba ngayon ha best?"

"Ay best sorry! Ikaw pala yan, oh kumsta naman kayo ni David?"

"Ano?  Ako pala to? Hindi mo ba narinig ang mga pinagsasabi ko? Anong nangyari sayo? Aminin mo best, rugby yan no?"

"Aaaah, oo nga pala! Tumawag ako sayo kanina sorry may nangyari kasi."

"Ano nga yun? Magsabi ka, Alam ko may bumabagabag sayo. Wag kang magsinungaling sa akin best? Tell me the truth."

Si best talaga, kilalalang kilala na ako, alam niya kung kailan ako nalilito, nahihilo, naguguluhan..

"Eh kasi anoooooooooo, there's this..."

"Weird guy."

"...Weird guy"

Sabay pa kami sa pagsabi ng weird guy ni best which made me smile. . Ang galing talaga ni best alam niya yata pati ang iniisip ko.

"Paano mo alam best?"

"Paano ko nalaman? Ano ba best. Dun kaya naputol ang call mo kanina. Alam mo best, diretsuhin mo na ko kasi ako at kinakabahan na ko sayo, What is wrong with you? You don't act normal today."

Akala ko naman may special powers na si best at nalaman niya ang sasabihin ko, huminga muna ko ng malalim bago ko tuluyang sabihing...

-

-

-

"Hinalikan ako ng isang stranger! Best! Stranger hinalikan ako sa elevator! Ang weird, hind ko pa kilala yung tao pero hinalikan na niya ko, sa labi ko niya ko hinalikan. Grabe, nakakainis yung taong yun, kakaiba ang trip sa buhay. Sa lahat pa talaga ng babaeng hahalikan niya, ako pa? Eh yun ang first kiss ko eh! Best! Sabi sa Matthew love your enemy raw, pero best parang ang hirap eh. Ang hirap magpatawad sa pagnanakaw niya ng halik!!!"

Pansamantalng natahimik ang kabilang linya hanggang sa marinig ko na lang siyang tumawa ng tumawa.

"Ahahahaha!"

Sige best! Tumawa ka pa ng tumawa. Dahil tuwang tuwa ako. Sige lang best.

"Ahahaha"

"Best, di ka pa tapos? Hala sige pagtawanan mo ko. Ganyan ka eh!" Irita kong sabi sa kanya.

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon