Lucy was not able to control her sleepiness. Kahit na ilang beses pa niyang sabihing hindi siya inaantok, may ilang beses siyang humikab hanggang sa tuluyan na siyang sumandal sa balikat ko at ipinikit ang mga mata. Kanina ko pa siya pinapatulog dahil malayo naman talaga ang Pilpinas sa Australia pero mas pinili niyang magbasa ng isang travel magazine featuring Australia para raw kapag nandun na kami ay di siya ma out of place. I was telling her na I wont make her feel 'lost' at kahit kelan naman ay di ko siya bibitawan pero minsan talaga matigas din ang ulo ng mahal ko which I also like about her. Hindi siya puro 'oo' lang. She makes it a point to share what she feels and speaks her mind.
"You are very hard headed kasi mahal eh. Kanina ka pa pinapatulog." I brushed my hand through her hair at tinapik tapik ang balikat niya para mas maging komportable siya.
"Ayoko lang naman kasing pupunta ako doon ng walang bala. Ano pa at naging girlfriend mo ko di ba? Nakakahiya lalo na sa parents mo."
"Love, dont worry about my parents. They know a lot about you. And they are actually excited to meet their daughter." Nagtatakang napatingin sa akin si Lucy at kunot ang noon na parang di makapaniwalang kilala siya ng mga magulang ko. Hindi ko kasi nasabi kay Lucy na noon pa man, noong naramdaman kong siya na talaga ang laan ng Diyos para sa akin, I already told my parents about her and update them of our relationship status. At first it was awkward for me pero hindi ko baa lam, just the thought of Lucy and my parents together is just exhilarating. Kaya sa tuwing nakakausap ko ang parents ko sa phone, laging kasama sa topic namin si Lucy.
"Daughter?"
"Yup. Nakahanda na nga dun ang wedding gown mo saka si Maggie pupunta rin dun para maging bridesmaid mo kahit na nga married na siya. Ready na ang lahat." Natatawa kong sabi kay Lucy. Gusto ko lang naman siyang asarin dahil yung kilay niya for sure tataas na naman. Alam ko namang hindi pa handa si Lucy sa married life at I respect her decision pero aaminin kong noong isang araw ko pa pinag-iisipang mag formal proposal na in front of my parents. Hindi ko lang alam kung paano ko gagawin.
"Hala. Will ha! Tigilan mo ko. Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo."
"Bakit ba ayaw mo pang mag I do sa akin? Ako na lang kaya ang single sa grupo. Both Aaron and Julius are happily married samantalang ako heto, ayaw pakasalan ng taong mahal ko." Nagpalit kami ng posisyon ni Lucy at ngayon ay ako na ang nakasandal sa braso niya at siya naman ang gumugulo ng buhok ko.
"Love, I am praying about our wedding too. Dont worry, di ka naman iiwan ng taong mahal mo."
Muli kaming nagpalit ng posisyon at tuluyan na siyang nakatulog habang nakasandal siya sa braso ko. Ako naman ang di makatulog dahil mas gusto ng puso kong pagmasdan lang siya at i-enjoy na kasama ang mahal ko.
***
I got mixed emotions the moment we stepped down from the plane. My parents informed me that they will be welcoming us at the arrival area. Bigla akong nakadama ng kaba at lungkot dahil kung tutuusin, after two years mula nang 'naglayas' ako ay ngayon ko na lang ulit sila mayayakap. Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin ng personal. While it is true that we get to talk over the phone and sometimes through skype, it will still be different talking to them face to face.Lucy held my hand and pinched my cheek. Aamin kong nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako when she asked about me being a prodigal son na para bang nababasa niya kung ano ang naiisip ko.
"Do you see yourself as the Prodigal son love?"
"Sort of love. Alam mo yun, I ran away and now Im coming back, isang simpleng William pa rin. Yes I have my own business pero di naman ganoon talaga kalaki."
"Ano ka ba what's important is you're going home with a renewed heart. That is more than enough. You have allowed Jesus to take control of you."
"Thanks for making me feel better as always love."
Bago ko pa mahalikan ang noo ni Lucy ay siya na ang kusang umiwas at pinitik ang noo ko. As much as possible kasi, we have agreed not to be too affectionate in public pero minsan di ko lang din maiwasan. I wanna shout to the world how blessed I am to have her.
"Love, are they your parents? Yun oh. Yung kumakaway? Pero bakit parang iba yung itsura nila sa pictures?"
"Huh? Wait.. teka, hindi yun.. hindi sila ang parents ko."
"Huh?"
"Yep. They are not my parents."
We hurriedly went towards my churchmates. They are both OFWs dito sa Australia at malapit sa mga magulang ko. Alam kong medyo nakaladkad ko na nga si Lucy sa pagmamadali pero talagang di ko maipaliwanag ang sarili ko. Sa totoo lang, kinabahan ako na ang mag-asawang churchmates ko ang sumalubong sa amin at hindi ang parents ko. Ano kayang problema?
"Tito, Tita, Is there something wrong?" Nakita kong nagmano si Lucy sa kanilang dalawa bago muling hinawakan ang kamay ko na para bang nagpapaalang wag akong masyadong kabahan at kumalma lang gaya ng lagi niyang ginagawa kapag medyo stressful ang trabaho ko.
"Kumain na muna tayo sa restaurant na malapit dito sa airport dahil malayo ang biyahe niyo. For sure you guys are both tired." Tinapik ni Tito ang balikat ko at kinuha ang isa sa mga bag ni Lucy samantalang nakipagbeso-beso naman ang tita kay Lucy.
"Ahmmm. Wait tito, I have a feeling that there's something wrong. Where are my parents po? They promised that they will be here. They never broke their promise unless may importanteng bagay na kailangan silang gawin. May biglaan po bang mission trip?"
Bumuntong hininga ng malalim si Tito at tinapik ang braso ko.
"They actually asked us to bring you to a hotel instead of bringing you home."
"Po? Ba..bakit po?"
"Wag kang mabibigla William pero.. meron kasing mga pulis na may isang linggo ng pabalik balik sa bahay niyo."
"Ano po? Hindi ko po maintindihan. Sino po ang hinahanap ng mga pulis?"
"Ikaw William. "
"A..ako po? Anong..."
"They wanted to stop you both from coming here but they could not because they wanted to see you. Ayaw ka rin naman nilang itago pero wala silang choice. Mabigat ang kaso mo William." Paliwanag ni Tito sa akin. Lucy was just listening, looking at me from time to time as if telling me to not worry and put all my trust to God.
"Hindi ko po maintindihan."
"William, even us, we cannot believe that you are capable of doing such things pero malakas ang ebidensya. Alam naming maling itakas ka pero itatago ka muna namin pansamantala hanggang sa makapag-isip tayo at makausap ka namin ng maayos. Doon na tayo kikitain ng parents mo sa hotel."
Hindi kami parehong nakapagsalita ni Lucy. Wala kami sa sariling sumunod kina tito at tita. Hindi alam kung anong tunay na nangyayari. Ano nga kaya ang kaso ko? Ano?
------------------
Did you see Chris Evan's photo? Hehehehe.
Do you guys wanna know how's William before he met Lucy? Go check out Your Love. Thank you
BINABASA MO ANG
I Found Love at Thirty Two
ChickLitWARNING: Read at Your Own Risk I am 32, single, no boyfriend since birth. At my age, I also have thoughts of falling in love, (I did once but ended not so well) of being loved by someone I love, having a family to call my own. I guess though...