31: Lucy

4.7K 127 13
                                    




"Best, how are you coping up? Kung andyan lang ako talaga, alam mo namang di ka makakahinga sa yakap ko di ba?" I smiled at what Maggie said. Totoo naman yun eh. We have been the best of friends for years I lost count of at kilala na namin ang isa't isa.

"Okay na ako. Wala na kong luhang maiyak eh." Totoo naman. Mula nang nalaman namin ang kaso ni William at nagkausap kami ng mama at papa niya, puro na ko iyak ng iyak at pakiramdam ko, ubos na talaga. Wala nang mapipiga pa sa mga mata ko kahit na masikip pa rin ang dibdib ko at gustung gusto ko pa ring umiyak.

"Yun naman pala eh. The best thing to do is to go to William now and hug him. For sure, lalabas ulit ang luha mo."

"Ayos ah. Tamang payo lang best? Ganoon talaga gagawin ko?" Di ako makapaniwala kay Maggie. Kung seryoso siya sa payo niya sa kin o nagpapatawa lang. Minsan kasi may pagkabaliw din ang babaeng yun. Parang ako lang. Yun din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit kami naging close. Parehong kulang ang turnilyo namin at nahanap namin ang turnilyong yun sa isa't isa.

"I am serious best. Alam kong gustung-gusto mo nang yakapin si William at pinipigilan mo lang ang sarili mo kasi di mo alam kung galit ka ba sa kanya o kung ano pa. Lucy, you are a matured adult here. And you know very well that more than anything else, ang kailangan ni William ay suporta ng babaeng pinakamamahal niya whom I think is you  Lucy." 

Sermon ng bestfriend kong si Maggie and for sure, habang kausap ako ni best ay namimilog na ang mga mata nito at umiiling-iling. At tama siya. I really wanted to run to William now and embrace him but a part of me is stopping me. Hindi ko alam. Siguro it just hurts to know that William's past is still haunting us. Medyo nakakatampo rin kay Lord kasi in a way, ayos na kami. We are almost there. Andito sa Australia, masaya sana yung event pero nagkaroon ng mga ganitong bagay. Of all days.

But who am I to blame God? Ang kapal din naman ng mukha ko. What is happening to William is a consequence of his action. Masakit na resulta ng maling desisyong nagawa niya. Napakasakit.

"Andyan ka pa ba Lucy?"

"Andito pa."

"Remember Joseph?"

"Joseph, second name ni Will Joseph?"

"No, I mean Joseph the dreamer."

"Oh?"

"He was also accused right? And was put into jail but God had better plans for him, even making him the big guy in Egypt di ba? Favorite Bible story yun ni Blueberry at ikaw ang madalas magkwento nun sa inaanak mo."

"But Joseph is different from Will. Si Will, may nangyari talaga sa kanila ng babae and...."

"and what Lucy? Its all in the past now. Alam ba ni William na makikilala ka niya? Hindi naman di ba? Kasi nga, God has better plans in his life. Hindi naman ibig sabihin nun na kapag nagkamali tayo, di na tayo pwede magbago di ba? Nagkamali si William pero hindi ibig sabihin nun, hindi ka niya mahal. Nagawa niya yun before he met you. Before he accepted Jesus in his life."

"I know pero best naman kasi eh..." Unti unti na naman akong napaiyak sa mga nangyayari. Ang bigat lang talaga eh. Di ko maipaliwanag  kung anong nararamdaman ko.

"Lucy, what if, what if, everything is a frame up? What if, gaya ng sa kaso ni Joseph the dreamer, planado lang pala ang kasong sinampa kay William?"

"Huh? What are you trying to say? Gawa-gawa lang ang kwento? Tapos may taong gusto lang masaktan si William ganun? Prank tong rape case na to? Of all pranks, ganito talaga?"

"It could be a prank or just a random form of enviousness.  You have to open your mind Lucy. Look at the picture. Photographer ka. Alam mo kung may inedit ba or something. Katawan ba talaga ni William yung nasa picture? Baka naman random guy na nakahubad lang at nilagay ang picture ni Will?"

Napaisip ako sa mga sinabi ni Maggie. She has a point. I tried to recall that night na binihisan ko si William noong may sakit siya. Kahit na nagmamadali ako nun at pilit na hindi tumintingin, I remember seeing a scar sa medyo baba ng kanang dibdib niya. I meant to ask Will what happened pero nakalimutan ko na.

Agad kong kinuha yung picture ng babaeng nagsampa ng kaso sa kanya at tinitigan ito.

"Best, I guess you are right. I guess, kapatid ka ni Inspector Gadget."

"Ano best? Isusumbong kita kay David."

"Joke lang best. I am looking at the picture now of the girl and William. Ma... makinis ang katawan ng lalaki."

"Ano? Teka, ano na bang pinag-uusapan natin?"

"You are right Maggie. You are right. This can be a set up for Will. May scar si Will sa katawan niya di gaya ng andito sa picture."

"You mean, best, nakita mo na ang katawan ni Will? Bakit di ko alam yan? Di mo nakwento yan. Best ha."

"Hala Maggie!!!"

""Wag ka nang maging defensive Lucy. You put down the phone and go to WIllam now."

"Pero.."

"pero ano?"

"Baka sabihin niya, I have memorized how his chest looks like. Nahihiya ako."

"Baliw! Let's pray first Lucy? I'll pray for you bago ka tumakbo kay Papa Will mo."

"Sige. Sige. Thank you. Thank you Best. Thank you."

Maggie prayed over me while on the phone. At this time, lalong tumulo ang luha ko. Naiiyak ako na God has a way of speaking to me. Minsan kasi nagiging blind tayo dahil sa emosyon natin at di na natin nakikita ang mga bagay-bagay. At nauuna tayong magduda, manghusga at masaktan pero in reality, wala naman pala talaga tayong dapat ikalungkot. I just really pray that whatever the plan of the girl is, maayos din ang lahat. That scar of William is deep. Imposibleng mawala yun or bigla na lang sumulpot. The picture of the girl with Will should match.

I hurriedly went to Will's room and knocked at nang buksan niya ang pinto ay gulat na gulat siyang nakita niya ako.

"Love?!"

"Take off your shirt." Ma-awtoridad kong sabi kay Will.

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon